Ang Patuloy na Pagbubuo at Pagpapatatag ng mga BPK sa ating Diyosesis

Sa nakaraang Diocesan Pastoral Evaluation and Planning na idinaos natin sa Parokya ng Banal na Krus, Sta. Cruz, Marinduque noong nakaraang ika-27 ng Setyembre, lalong naging maliwanag ang programang pastoral ng Diyosesis ng Boac. Ipinaalaala sa lahat na sadyang ang pangunahing programang pastoral ng ating diyosesis ay ang pagtatatag at lalo pang pagpapatibay ng mga […]