Pagdiriwang ng Holy Spirit Mass sa OMPSA, Matagumpay!

Hunyo 19, 2013- Upang pormal na pasimulan ang panuruang taon 2013-2014 pinagdiwang ng Our Mother of Perpetual Succor Academy ang taunang Holy Spirit mass sa simbahan ni San Ignacio de Loyola. Pinangunahan ito nina Reb. Padre Lino Esplana, Diocesan Administrator, Monsignor Magdorulang at Reb. Padre Christian Francis Regencia. Dinaluhan ito ng mga mag-aaral, mga guro, […]

RE-ECHO NG QUEMARLABARO 2013 SA PAROKYA NI SAN ISIDRO LABRADOR, MATAGUMPAY!

Mogpog, Marinduque- Sa pangunguna ng mga lider kabataan ng Parokya ni San Isidro Labrador, naging matagumpay ang isinagawang Re-Echo ng QUEMARLABARO 2013 na ginanap sa bulwagan ng Mogpog Central School noong ika 2 ng Hunyo 2013 na dinaluhan ng mga kabataan sa iba’t-ibang barangay na sakop ng nasabing parokya. Ang nasabing gawain ay may temang […]

NATIONAL YOUTH DAY SA PAROKYA NI SAN ISIDRO LABRADOR, MASAYANG IPINAGDIWANG

Mogpog, Marinduque – Bilang pakikibahagi sa Pambansang Araw ng mga Kabataan na inilulunsad ng CBCP-ECY tuwing ika 16 ng Disyembre, idinaos ng mga kabataan ng Parokya ni San Isidro Labrador ang National Youth Day na may temang “SAN PEDRO CALUNGSOD: HUWARAN NANG MGA KABATAANG MISYONERO SA TAON NG PANANAMPALATAYA”. Ito’y dinaluhan ng mga kabataan mula […]

Parish youth camp’12, matagumpay

Matagumpay na idinaos sa unang pagkakataon ang Parish Youth Camp ’12 na may temang “Maria, Huwaran ng mga Kabataan sa Paglago sa Pananampalataya” na ginanap sa Marinduque National High School parokya ng Inmaculada Conception, Boac, Marinduque. Dinaluhan ito ng 50 kabataan mula sa iba’t-ibang barangay na sakop ng parokya. Sa unang araw ika-29 ng Disyembre, […]

BASIC ORIENTATION SEMINAR, MATAGUMPAY

Mogpog, Marinduque- Sa pangunguna nang mga lider kabataan ng Parokya ni San Isidro Labrador, matagumpay na naisagawa ang Basic Orientation Seminar (B.O.S) na dinaluhan ng 133 kabataan mula sa iba’t ibang barangay na sakop ng parokya noong ika 10 ng Nobyembre 2012 sa bulwagan ng nasabing parokya. Naging panauhin tagapagsalita sila Bro. Arnulfo Regio, Diocesan […]

BISITA PASTORAL SA PAROKYA NI MARIA MAPAG – AMPON, ISINAGAWA

MHCP, Balimbing, Boac – Binisita ng Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista, D.D., Obispo ng Boac, ang Parokya ni Maria Mapag – ampon sa mga Kristiyano, Setyembre 23 – 25, 2012. Kasama sa mga sumalubong sa Obispo, pagkatapos ng unang misa, ang bagong Kura Paroko na si Reb. Padre Milliemar M. Perin, ang dating Kura Paroko […]