Diocese of Boac

Marinduque, Simbahan ng mga Dukha na may Katarungan, Pag-ibig at Kapayapaan

REAKSYON TUNGKOL SA SIMBAHAN NG MGA DUKHA

Magandang umaga po. Napakaganda ng umaga sa Marinduque. Nakatulog po ba kayong lahat? Nakatulog talaga? Kasi ako po bukas pa makakatulog ng mahimbing dahil buhat po ng natanggap ko kay Bishop Oliveros na makikibahagi ako dito sa inyong Synod, naging kasiping ko na po ang nerbyos. Nasabi po ni Msgr. Gerry Santos na kanakailangang makiisa kay Bishop Oliveros dahil si Bishop ay hindi lamang napakarunong at napakatalinong puno ng simbahan kundi napakahusay na taga paglingkod. Si Msgr. Gerry po ay matalik kong kaibigan at tinatangi ko siya

Ako po ay gulat na gulat kahapon pagbaba ko sa eroplano dahil ang sumalubong sa akin ay Bishop at ang Governadora. Napakalaking bagay po para sa ordinary housewife na sinusundo ng Bishop at ng mga pinuno. Kahit po Ambassador ako, hindi ako sanay na sinusundo ng Bishop sa airport.

Naalaala ko rin po ang inyong dating Obispo, si Bishop Rafael Lim. Siya po ay itinuturing naming mabuting pastol at higit pa doon ay kaibigan. Siya po ay palagi naming kinukumusta sa usapin ng BEC noong ako po ay punong tagapaglingkod sa Council for the Laity. Siya po ang nauna at masugid na tagapagtatag ng BEC dito sa Marinduque. Kaya mapalad po kayo dito sa Marinduque at binigyan kayo ng mga pinunong tagapaglingkod na kawangis ng Ama. Nadinig kong binanggit ni Msgr. S. Malapad na noong Nov. 22-25, 1993, nagkaroon na kayo ng Diocesan Planning Assembly. Nadinig ko rin po na napagkaisahang mission-vision ng Marinduque: Simbahan ng mga Dukha na pinaghaharian ng Katarungan, Pag-ibig at Kapayapaan.

Sampung taon na ang nakalipas. I’ll borrow the question of Pope John Paul II na tinaguriang Pope of Humanity. “Church, what do you say about yourself?” What are you? Itanong po natin ngayon, Simbahan ng Marinduque, anong masasabi ninyo sa inyong sarili? Have you indeed become church of the poor? Can you people truly say that you have justice, love and peace?

Naglibot kami ni Bro. Ding at Sr. Gracia kagabi, mga 6:00 o’clock pa lang ay napakatahimnik na para bang puno ng kapayapaan. Pero kung tatanungin nga ni Sr. Andy, iyan ba ang katotohanan? Mas lalo pa sigurong mahalaga ang tanong sa mga dukha sa Marinduque. Nadarama ba ng mga dukha sa Marinduque ang katarungan, pag-ibig at kapayapaan sa kanilang buhay? The papers of Fr. Allan on Justice, Fr. Sapungan’s on Love, and Msgr. Magdurulang’s on Peace, again this morning, Msgr. Senen’s on Church of the Poor seem to have a common threat, that Marinduque has still a long way to go. Pero huwag po kayong mabahala, hindi kayo dapat mabahala, pero hindi naman akalaing kayo ay nag-iisa dahil ang kabuuan ng sambayanang Pilipino ay napakalayo pa sa hinahangad na pananaw at tinakdang pagkilos ng ikadalawang Konseho Plenaryo ng Pilipinas o PCP II noong January 19 – February 17, 1991. Mahigit po iyon sa ten years. Madalas binabanggit ni Msgr. Senen ang PCP II at mga karanasan na naging basehan ng kanyang scripturally based at napakahusay na pagtatalakay sa Simbahan ng mga Dukha. Nagpapahiwatig po na ang ating Presentor ay nakababad sa pagpapatotoo na ang Simbahan ng mga Dukha dito sa Marinduque ay pagkilala sa tinatawag na signs of the times. Maraming salamat, Msgr. Senen. Mga paring kaktulad mo ang nagbibigay lakas sa mga layko na isulong ang misyon ng Simbahan. Kami po ni Msgr. Senen ay magkaklase sa PCP II at si Bishop Oliveros, pero Rector pa siya noon sa seminaryo ng Lucena. Hindi po malimutan ni Msgr. Senen doon noong binabasa ni Bishop Bacani ang kinatha niya tungkol sa Simbahan ng mga Dukha na hanggan ngayon po ay sariwang-sariwa pa rin sa aking alaala at puso. Seatmate ko po sa PCP II si Msgr. Gerry at si Tess na kinatawan ng sektor para sa katarungan na laban sa karahasan.. Noong binabasa ko po ang dinidescribe ni Msgr kanina kung ano ang Simbahan ng mga Dukha ay umugong sa session hall, parang unti-unting palakas nang palakas ang palakpak ng mga tao, at naalaala ko, nagyayakapan kami nina Msgr. Gerry at ni Tess at umiiyak at sabi, ito… ito ang Simbahang kailangang mangyari sa atin. Tiningnan ko rin naman po sa likod ko si Joe Concepcion na hari ng yaman at yoon ding isang Ginang na kung dumating sa PCP II suot parang reyna sa parada ay tuwang-tuwa at umiiyak din. Ewan ko lang po kung napag-iisipan nila ang magiging kahulugan nito sa bawat buhay namin. Napakalakaing bagay sa aming mga layko ang PCP II na kalahok doon dahil pambihirang mangyari na kasama as equal participants ang layko ng mga Obispo, Arsobispo at Cardinal na nagpupulong at nagbibigay ng batas, nang pumasok kami doon ay ano bang kaalaman namin sa … deposit of faith, mga doctrines, dogmas. Sa hangad na huwag kaming madeclare na out of order sa intervention ay bumili po ako ng Robert’s book on Parliamentary Rules at binigay ko isa-isa sa mga lay delegates, but it was an event that made the church happen, tunay na pagdiriwang ng pananampalataya. It was an experience that is like non other. It was an awesome experience, thirty days, one month of praying together, eating together, discussing, discerning, and acting together kasama ng mga obispo at pari. Alam nating pagdating sa Religion, inaaangat natin sila. At ang sitting arrangement, two rows ng mga layko sa gitna at sa palibot ay mga pari, obispo, arsobispo at cardinals na nakaharap sa amin; parang mga security guards na binabantayan kami. Naitanong nga ni Art Panganiban of the Supreme Court kung sino daw ang nag-ayos ng hall. Pero ang katotohanan ay lumabas, akala namin ay binabantayan kami. Iyon pala, nakikinig sila sa amin, they were learning from us. Minsan nga may Youth delegate na pumunta sa akin. Kinatok daw siya ni Bishop Sora ng Catanduanes. Akala noong kabataan ay may gawa siyang mali. Iyon daw pala ay magtatanong sa kanya. Noong una akala niya ay sinusubukan siya ni Bishop Sora. Hindi pala, may notebook sisya at isinusulat ang sinasabi niya. Humingi ng kanyang opinion kung ano ang tungkol sa makabubuti sa kabataan. Para daw siyang teacher ni Bishop Sora, kwento ng youth delegate. Hindi ko po makalimutan – being with us, learning from us – it affirmed our dignity so much. Pagdating po ng botohan, ang boto ng layko (consultative votes) ang inuna, then ang boto ng mga pari, obispo, at cardinal (deliberative votes) naman. At lagi po kung ano ang votes ng layko ay ganon din ang votes ng mga obispo. Minsan lang po nagkaiba on a minor issue and the difference was just one vote. So if we entered PCP II as the poor of the church, we left it as priests, prophets and kings chosen by the Lord as His own people to make His Kingdom come and more importantly, we left it feeling the beloved sons and daughters of Abba Father called to continue the saving work of Jesus on earth. An encounter with our Lord encountered in community as we have experienced in PCP II is always a source of strength to keep faith with our following of Jesus in His mission to bring good news to the poor, to continue with the struggle to be in church of the poor even if the immediate results seen to be long in coming. What we have seen, heard, and touched we announced to you. That gave us joy, a real joy that is from peace. Kaya mahalaga po na makipagtagpo o matagpuan natin ang Panginoon. From God we get strength to continue with the Church of the Poor. Dapat ay ganito rin ang inyong makita, madinig, madama sa inyong synod at harinawa na ang pag-ibig ni Kristo ay haguran ang inyong mga kalooban na maging magandang balita sa mahihirap, sa maliliit, sa mga nagdadalamhati, sa mga maralita. Ang Simbahan ng mga Dukha na ganap na sakramento ay magpapalaya sa kahirapan dito sa Marinduque. Ang kagalakan ng mga sinugo at pinili, kayo po ang mga pinili, hindi lamang ni Obispo kundi ang Panginoon upang magbunga kayo ng mayabong. Ang tugon ninyo ay hindi lamang tugon sa Diyosesis ninyo, kundi tugon sa Panginoon. Kailangan ang kagalakan (according to Pope, New Fervor) na nagbibigay atraksiyon sa iba na manghikayat din kung ano ang pinapalaganap. Ang makahikayat ng iba na sumama sa pagpapalaganap ng magandang balita is an attraction of grace. Hind po ako theologian. Ang akin pong sharing ay hindi organized, logical thinking. Ang akin po ay theology of hands, heart and feet (serving, loving, going) kung saan pinapupunta. Kaya ang sharing ko po sa inyo ay ang mga nasagap kong kaalaman, kwento at karanasan na bunga ng reflex of the heart, the heart that has been touced by the Lord, not through merits of my own, kasi naman kung haharap tayo sa Panginoon wala naman tayong masasabing sariling atin, lahat galing sa Kanya. It’s the love of God freely given, the prodigality of God’s love, walang hinahanap na kapalit, unconditional love, power of love. Sa ating kahinaan lumalabas ang kanyang kapangyarihan, ang kapangyarihan ng laging pagmamahal. Lagi po nating tatanungin, Your measure against my measure.

Para makatulong sa inyong Synod, kailangan ang dalawang balangkas (knowing and acting concretely). Dalawang balangkas na gusto kong i-share sa inyo:

1. pagpapalaya ng mga dukha sa kanilang karukhaan dahil ito ay taliwas sa gustuhin ng Diyos.

2. pagpapalaya ng diwang karukhaan ng bawat isa sa atin dahil gusto ng Diyos na tayong lahat ay maging poor in spirit.

Liberation from poverty – liberty even in poverty. This becomes imperative because of the reality of our times, which is so much characterized by poverty. Poverty that can be described as inhuman so that it becomes structure of violence: physical, emotional, mental and spiritual.

Before going to Rome to be an ambassador in 1996, I worked in Intramuros for eight years. Tumutulong sa tatlumpung pamilyang squatters out of the 450 families in the whole place called mahestransa. Dikit-dikit ang bahay, kapaligiran ay marumi, malangaw, mabaho. Nakilala ko doon si Lorna who just gave birth to her 5th child. Matanda ako sa kanya ng fifiteen years, pero kung titingnan mas matanda sa akin si Lorna by 20 years. Si Kiko, 9 years old na namumulot ng basura, nakatira sa basura. Sa isang kamay, hawak niya ang sandwich na malamang na inayawan na ng nagtapon, at sa kabilang kamay ay hawak ang porno magazine habang nanlalaki ang mata sa panonood nito.

Ayon kay Gustavo Gutierrez, liberation theologian of Latin America, poverty means death dahil sa gutom, sakit, kulang ng bagay bagay para magkaroon ng buhay. Not only physical death, but also mental and cultural death.

Sa ganitong kalagayan, hindi maaaring magwalang-bahala ang simbahan, ang kahit sino sa inyo dito. Dapat kumilos ang simbahan kung talagang ito ay sakramento ng kaligtasan, kung tunay na simbahan ni Hesukristo.

Kaya kanina po, hindi maamin ng konsiyensya ko na sumang-ayon nang buong-buo kay Msgr. Senen nang sabihin … sino nga ba yong mayamang kapatid ni Lazaro, si Teves ba iyon – na walang kasalanan, na walang ginawang masama, na kulang lamang sa ginawang kabutihan. Mayroon po siyang kasalanan sa pag-aangkin ng sobra sa kanyang kailangan kaya hindi nagkaroon si Lazaro ng hapag na makakainan ng sapat.

Maganda ang readings sa working papers kanina. Kung mamamatay man ang katawan ninyo dahil sa kasalanan o sa karukhaan, if I may add ay bubuhayin uli ng Diyos. Iyan po ang pag-asa ng mga nagtatangkilik ng simbahan ng mga dukha na hindi dapat pagdudahan. Iyan ang pag-asa na dala ang kagalakan, tiyak na mangyayari, tiyak na maliligtas kami, tiyak na mabibigyan kami ng bagong buhay. Ito ang halimbawa, si Hesus na pinahirapan at pinatay pero binigyan ng bagong buhay. The resssurrection is the greatest feast of our religion. Before Christ heals anyone, richc or poor, pinatatawad muna – go and sin no more. Death need not be an existential reality, na ang kahairapan ng Diyos ay para sa lahat na hindi lamang para sa dukha pero para din sa mga mayayaman. Hindi po nag-iincite ng class struggle, na itong isang panig para sa mga dukha, at itong isang panig para sa mayayaman.

Lahat tayo mahal ng Diyos. Ang gusto Niyang mangyari ay mahalin natin ang lahat without consideration for the social status. Kaya lang may preferential option for the poor para pantay-pantay tayong makaangat sa bagong langit at bagong lupa na walang maiiwan. Para sa mayayaman, hindi mahirap pumasok sa kalangitan na hindi na kailangang pumasok o dumaan sa butas ng karayom. Para sa mahihirap upang hindi sila mahirapang matagpuan ang Panginoon. At dito po ay kailangang-kailangan ang solidarity, kakaisa ng entire community lalung-lalo na ng mga kristiyano dahil ang ating sinusundan at pinaniniwalaan na Panginoon ay si Kristo. His being is be good news to the poor.

Ako ay masaya na nandito si Governor Carmencita at Cong. Edmund, na kayo ay sama-sama sa pagtatalaga ng Simbahan ng mga Dukha dito sa Marinduque. Kailangan po itong talinong binigay ng Diyos sa bawat isa. Kailangan po itong pag-isahin para itulak ang kapakanan ng mahihirap. I remember, pagkatapos ng una kong bisita sa mahestransa, hindi po ako makatulog at iyak ako nang iyak, kaya sabi ng asawa ko ay kung ganyang iyak ka nang iyak pagpunta sa mahestransa ay mabuti pa ay huwag ka nang pumunta doon. Ang hirap naman nito, pati ako hindi makatulog. Kasi po, nakikita ko si Kiko, kinakain basura, nakita ko ang baby ni Lorna, natutulog sa lumang peryodiko at saka abalang-abala ang aking konsiyensiya. Diyos ko, saan ang Iyong katarungan? Ngunit bigla ko rin pong naalaala ang aking refrigerator, punung-puno ng pagkain. Kapag dadalawang pack na ang tenderloin, kasi mga anak ko anim, apo ko anim din, kapag kulang na sa sampu yong tenderloin, abalang-abala na ako, magpapabili na agad. Ang aming kama po, ang laki, ang bango-bango pinapalitan ang bedsheet, punda at kumot tuwing makatlong araw, mayroon pa akong non-allergenic comforter, kasi aircon, at yong kuwarto ko mas malaki pa sa barong-barong ni Lorna. Sa closet ko mga isang dosenang sets of blankets and pillow cases. Poverty creates wealth and wealth creates poverty. Ang kasobrahan ng iilan ay kakulangan ng marami. Less than 10% of our population holds some 80% of our nation’s wealth. Less than 10% of our Filipino families controlled almost all elective positions in the country so much so that for many heirlooms of the family. Kaya napag-iisipan ko po na hindi natin dapat usigin ang Diyos, ang Kanyang katarungan. It is not the justice of God that we must question, rather that we fail miserably in loving the justice of God. The justice of God is non other than the love for the other. Ang batayan ng katarungan ng Panginoon, nagmamahal sa kapwa. Kung mahal mo, hindi mo magagawang pagkaitan; kung mahal mo, ipaglalaban mo ang kanyang karapatan, so that the poor may see, hear and touch the church as proptec tor but more importantly as friend. Kahapon po nang kami ay dumating, doon kami nag-almusal sa bahay ni Gobernadora Carmencita. Nang dumating kami may mga mangingisda galing sa Gasan na nahuli yata na nangingisda dito sa tubig ng Boac, may batas na kapag ganoon, kumpiskado ang lahat ng ani o huli at mayroon pang fine. Natutuwa po ako habang kami ay kumakain, nakikinig kung papaano aayusin ni Gobernadora. Noong naririnig ko ang usapan, sabi ko nga kay Bishop ay para palang Solomonic ang desisyon sapagkat may batas at nahuli kayo at unang-una sabi nga ni Sister Andy, ano ang katotohanan, kailangang patawarin pero kailangang malaman nila ang kanilang kasalanan at aaminin nila itong katotohanan na sila ay trumansgres (transgress) sa boundary. At dahil sa pakikipag-usapan, iminungkahi ni Governor na kailangang ibigay doon sa mga nakahuli ang kanilang nahuling isda, pero kawawa naman sila, walang kikitain, kaya ibigay na lang ang 1/3 ng nahuling isda. Nagkasundo naman sila. Ito ang sinasabi ko, kung may pagpupulungan, kung magkakaisa sa paglutas sa problema ang mga dukha at natutulungan sila katulad ni Hesus at inako ang ating pagkatao, pumunta Siya dito hindi bilang hari o presidente o emperador. He chose to be born poor. Ang Kanyang pamumuhay ay bilang dukha; noong Siya ay namatay, poor pa rin, walang sariling libingan. Batayan ng kaligtasan, ibinatay Niya sa kawanggawa, kung pinakain ang nangugutom, dinamtan ang hubad, pinainom ang nauuhaw, binisita ang maysakit, pinalaya ang imprisoned or captives. Ang captivity marami ang kahulugan, hindi lamang mga kriminal, captivity from sin, from pride, kasakiman, kaya walang ibang paraan kundi ang maging simbahan ng mga dukha. New awareness facilitates a new knowing of God that can lead to a change of heart. Ang experience ko po sa Mahestransa ang simula ng pagbabago ng aking puso. Ako po ay ipinanganak sa nakaaangat na pamilya. Doon ako nagkaroon ng bagong malay na ang regalo sa akin ng Diyos ay hindi pangsarili, hindi lang para sa akin at hindi para lang gamitin ng ganap sa aking pamilya. At ako rin katulad ninyo, ang bawat isa sa atin, bahagi ng buong pamilya ng Diyos kung Siya ay kinikilala nating Ama, na ito ay biyaya, regalo sa atin na isa ring responsibilidad na dapat panagutan. It must lead to a change of heart, a liberation from attitudes and mind sets that make material things, position and power central in our lives. Sapagkat kapag naalis na ang ating kinikilingan, ang ating hinahawakan, kayamanan, position, ganda, napakalaking dating sa atin. Diyos na siya. Kung maalis ito, para tayong inalisan ng malaking tinik and surprisingly, what comes is what we experience – we are wrenched from fear to freedom to love. The freedom of the children of God, kalayaan ng mga anak ng Diyos whether rich or poor. Without this freedom, today’s oppressed can become tomorrow’s oppressor. Iyan po ang tinatawag na spiritual poverty, liberation from things that make us cling to idol. Tayo ay maaaring humarap sa Diyos na hubad, hubad sa mga ambisyon para sa kapangyarihan, kayamanan na ito, like Jesus emptied Himself. We come unprotected before the Lord. You are my salvation, Ikaw ang aking kaligtasan. Mahirap kapag marami ang diyos-diyosan na luluhuran, mapupudpod ang tuhod at titigas ang puso. Ito po ang nakita ko dahil may kasama kami noon. Kapag may inirerelocate na mga squatter forcibly, may leader doon ng mga squatter, magaling, napakahusay. Na-appoint siya ni Pres. Cory para sa Urban Poor Committee. Nang magkaroon ng kapangyarihan naging matayog pa sa Diyos. Siya ay naging oppressor ng dating mga oppressed of which he was a part of just 2 seasons ago. Kaya ang kahalagahan ng spiritual poverty, kababaan ng kalooban na ang pinanghahawakan lamang na yaman ay ang kapangyarihan ng Panginoon at ang napag-usapan nating Church of the Poor is a community enterprise. Ako po ay naging bahagi ng government bilang ambassador, pero bago ito, ako po ay bahagi ng tagapamuno ng Council of the Laity at bahagi rin ng nagtatag ng PPC for Responsible Voting nagamit naming mga leader ng simbahan na kasangkapan sa pagdala sa Presidente ng mga problema ng iba’t ibang sector sa Mindanao, sa Visayas. Agad-agad na nag-form ng committee ang Presidente para lutasin ang kanilang problema. At least naipaalam sa mga nasa poder ang nangyayari sa ilalim. Hindi dahil sa matigas ang kalooban at ayaw tumulong ng nasa itaas kaya hindi matugunan ang pangangailangan ng nasa ibaba. Sa karamihan o kalawakan ng tungkulin, hindi alam kung saan mag-uumpisa at hindi nagkakaroon ng appreciation kung ano baga ang kailangan ng mahihirap dito. Nangyari na po sa akin iyan doon sa majestranza. Ang project ko po ay magpagawa ng banyo. Hindi po sila natuwa nang kami ay makahingi ng tulong sa Australia at nakapagpagawa ng mga banyo. Ang gusto pala nila ay magkaroon ng hall na kapag nagmimisa o nagpupulong ay mayroon silang magamit. The banyo can come later at bahala na silang mag-usap at gumawa ng paraan para sa banyo. Kaya maganda ang may konsultasyon. Minsan kasi, hindi naman sinasadya, pero dahil sa good intention, gusto natin tayo na maging savior nila, ililigtas natin sila, ihahanap kita ng livelihood project, ibibigay ang pangangailangan nila. Pero in that process what remain is tayo pa rin ang benefactor at ang mahihirap pa rin ang beneficiaries. Hindi pa rin naaangat sa condition nilang nasa ilalim. Ang maganda ay kung sila ay mahubog at mabigyan ng pagkakataon o space na they become their own voice, their own liberating voice, that the liberating action will start from them. Magkakaroon ng pagbabago sa ating bayan kung sa ibaba, na nakararami magsisimula ang pagbabago at naipapakita sa taas na kailangan din nilang magbago. Kaya po, mungkahi ko, magpatuloy ang inyong pagpupulong, magkaroon ng regularity of confrontation kasama ang gov’t leaders, church leaders at BPK para sa ganap na kaunlarang pantao (total human development) para sama-samang nagkakaisa para alam ng local leaders ninyo.

Noong ako ay ambassador, ntutunan ko na ang Church – government collaboration is not mission impossible, lalong magbibigay bunga para sa nakakarami, police, militar ay magkasama sa pagtakbo sa pagtayo ng Simbahan ng mga Dukha.

Ipinapaalaala ko po na hindi lamang activity kung pababayaan ang Simbahan ng mga Dukha na purely administrative job, organizational in nature, unti-unti pong mawawalan ng bisa, mawawalan ng gasolina. It can only come after prayer, prayer and the dailiness of your response to the perfect as our heavenly Father is perfect. Ito ay pagbabagong-loob at pagbabagong puso na hindi nangyayari once and for all. Ang tawag po ng Panginoon ay araw-araw at ang tugon din natin ay araw-araw. Dapat maglaan ng panahon para sa Diyos lamang. Hindi kailangang maraming salita sa panalangin sa Kanya. Sa umaga na wala pang ingay ang mundo, kung komportableng lumuhod, lumuhod, kung upo, upo at sabihing, Panginoon, heto ako, ano ang kalooban Mo para sa akin? Madidinig ninyo ang tugon at bibigyan din Niya kayo ng lakas na tugunan Siya kasi galing po lahat sa Kanya. Kaya lang, hindi Niya gustong pinipilit tayo, masyado Niya tayong mahal, gusto Niya kusang-loob na lumapit tayo sa Kanya, at ito po, dala lagi sa panalangin.

Mahalaga sa mga dukha ang makita at makilala na ang Simbahan ay kaibigan nila, hindi lang protector o taga-bigay sa kanila. That’s why it can’t be a church for the poor, but church of the poor, that should transcend that helping approach to the poor. It needs so much of that approach, pero hindi dapat natatapos doon, dapat makita at madama na ang simbahan ay kaibigan nila. I remember EDSA III, yong galit ng mahihirap ay nakakalungkot. Kinausap ko si Bishop Soc Villegas, Rector ng EDSA Shrine. He can’t believe that the people soiled deliberately the shrine, talagang dinumihan, inihian saan-saan, dumi tapon kahit saan, para bagang it’s a release of anger against the church. Bakit kaya? Bakit hindi nila naramdaman na ang simbahan ay kakampi nila? Bakit hindi nila nakita na ang pagsama ng simbahan sa pagpapalit ng literado ay para sa kanila? Tanungin natin ang ating sarili. Baka ang dating natin sa kanila ay masyadong coming from the position of privelege and power. Ang kwento ng Panginoon sa luma at bagong tipan ay kwento ng friendship, kaya si Jesus huli ay nagsabi, “I no longer call you slaves or servants, I call you friends.” Kasi ang friendship ay may connotation of equality, pag-iibigan kaya dapat ang bati sa mga dukha ay kaibigan, mahal kita, kaibigan kailangan kita, kaibigan kailangan tayong magkaisa.

Ako po ay may kwento, maikli lamang. Noon pong August 2001, Ambassador to Rome ako, niyaya po ako ng aking 3 anak na magshopping dahil may discount ako bilang ambassador, malaki nga naman po iyon. Habang kami ay naglalakad ay nakita ako ng isang OCW at tinawag ako at patakbong lumapit sa akin. Ambassador, aalis ka na pala ay hindi ko pa natutupad ang pangako ko sa inyong paksiw na tono. Hindi ko siya matandaan at nahalata niya na iniisip ko kung saan ko siya nakita, kaya sinabi ng OCW na isa siya sa binigyan ko ng recollection noon sa Legion of Mary. Na wala akong baon noon kaya ang ginawa ko ay lumibot ako sa kanila at nakidampot-dampot sa baon nila. At noong natikman ko daw ang niluto niyang paksiw tono ay inubos ko, kaya pinangakuan niya akong ipagluluto niya. Ang ganda-ganda daw ng sinabi ko sa kanila sa recollection, kaya sabi ko ay ano nga ba yong sinabi ko sa inyo? Nakalimutan na raw ng OCW pero basta maganda. Ang hindi daw makalimutan ng OCW ay nang siya ay yakapin ko ay ang baho-baho niya dahil hindi siya nakapaligo sa pagmamadali at ang init-init at pawisang-pawisan siya. Ikaw po ay ambassador at ako ay OCW lamang. Iyan po ay yakap ng pagmamahal ng Diyos. Ok, yakapin ninyo, katabi ninyo, yakapin. Isa pa po.

Nang ako ay magpunta sa Mahal na Papa, 45 minutes po kaming mag-holding hands. Hindi na po kami nag-speech. Hiniling na lang po Niya na magkwento ako tungkol sa Pilipinas. Noon daw lang siya nakakita ng ganoon karaming tao kaya ininvite niya na pumunta uli ng Pilipinas at he’ll see double sa dami ng tao. Hinalikan niya ako sa noo at sabi niya ay huwag mong sasabihin sa ibang ambassador na hinalikan kita. Pero pagdating ko sa reception hall kung saan iwe-welcome ako at ipakikilala sa iba, ibinalita ko agad na hinalikan ako ng Papa sa noo. One can’t just contain in his heart the good news, ibabalita talaga. Natatandaan ko pa rin nang nakakita siya ng nagwawalis sa kalye. Tulad ng ginawa niya sa akin, hinawakan sa magkabilang pisngi at hinalikan din niya sa noo. Ang paghalik niyang iyon sa nagwawalis ang nagbigay ng mas malalim na kahulugan ng pagmamahal. Ang nakakatuwa po kay Holy Father ay because of the purity of his heart, hindi siya natatakot magmahal at hindi siya nangangamba na tumanggap ng pagmamahal. Sabihin ko raw sa mga Pilipino, bilin ng Mahal na Papa, na mapalad tayo at mahal tayo ng Panginoon at binigyan tayo ng two gifts: faith and family.

Papaano ngayon isasabuhay dito sa Marinduque ang Simbahan ng mga Dukha at pananampalataya ng pamilya? Ang unang pagkamulat sa pagkalinga sa mga dukha at sa pamilya, kaya po ang Sto. Papa laging binibigyan ng diin ay ang kabataan at pamilya. Isama ang kabataan at gawing o-investor in the church of the poor. Ang pamilya ay pangalagaan at gamitin bilang regalo sa atin ng Panginoon upang ipahayag ang kanyang magandang balita. Harinawa kung buhay pa ako after 5 or 10 years pag may Synod uli kayo ay maitatanong ko sa inyo, Marinduque, ano ang masasabi mo tungkol sa inyong sarili? Ano ka ba? At ang magiging tugon ninyo ay “Marinduque: Simbahan ng mga Dukha na may Katarungan, Pag-ibig at Kapayapaan,” ang sigaw mula sa inyong lahat. Ito ay ipinangangako kong ipapanalangin para sa inyo.

Inihanda ni:

GNG. HENRIETTA TAMBUNTING DE VILLA