Diocese of Boac

Marinduque, Simbahan ng mga Dukha na may Katarungan, Pag-ibig at Kapayapaan

REAKSYON TUNGKOL SA KAPAYAPAAN

Ang KAPAYAPAAN ay tulad ng isang PUNO, nag-uugat sa KATOTOHANAN, nakatayo sa KATARUNGAN, nabubuhay sa PAG-IBIG, pinasasagana ng KALAYAAN, at nagkakaroon ng kaganapan ng buhay sa KAPAYAPAAN.

Binigyan ng diin ang katotohanan sa paglalahad ng mga halimbawa tulad ng:

· Mangga malaya; pag Mayo bumubunga, pag Disyembre, hindi. Iyan ang katotohanan, kung hindi ganyan ay malilito tayo.

· Bumili ka – ang halaga ay Php45.00 – nagbigay ka ng Php50.00, dapat may sukli na Php5.00 – dapat ibigay ang sukli, pero sabi mo “keep the change” – malaya kang magdesisyon. Iyan ang katotohanan.

Ang authority galing sa Papa. Ang kapangyarihan ng Papa ay galing sa kanyang pagkatao.

Inirekomenda ni Sr. Andrea na dapat ang tema ng Diocese ay: “Simbahan, ugnayan ng mga dukha na pinaghaharian ng kapayapaan.” Lahat tayo ay dukha pero hindi tayo humihingi ng yaman, kapangyarihan, popularidad. Ang hinihingi natin ay KAPAYAPAAN.

Binanggit din niya ang Indian tale: Nilikha ng Diyos ang lalaki, binigyan ng pagkain, pero hindi lang pagkain ang gusto ng lalaki. Gusto niya ay makapagsalita, may kausap. Lumikha ang Diyos ng babae. Ang babae ay masyadong madaldal. Walang katahimikan ang lalaki, kaya pagkalipas ng 3 araw isinoli ng lalaki ang babae sa Diyos para siya magkaroon ng katahimikan at kalayaan. Pagkalipas uli ng 3 araw hiningi uli ng lalaki ang babae. Hindi siya mabubuhay ng wala si babae. Natutuhan na niya itong tanggapin at mahalin.

Iyan ang pag-ibig – bulag.

Ano ang nagiging mata ng dalawang nag-iibigan?

KATOTOHANAN.

Kapag nakikita ko ikaw, pero di mo ako nakikita, may mali, resulta, magtatanong kasi hindi makita ang katotohanan. Mayroon ding katotohanan na hindi nakikita ng sarili pero nakikita ng iba. Iyan ay dapat malaman para lumabas ang katotohanan.

Kapag nakikita at nalalaman ang katotohanan, may KAAYUSAN (Tranquility of Order).

May 2 taong nagmamahalan sa puno ng mangga. Kahit sila ay gutom ay payapa dahil may kaayusan sa kanilang dalawa.

Sa pag-ibig, kahit nasasaktan ay may pagpapatawad, pero hindi sa katarungan.

Sa tahanan dapat alamin ang katotothanan, dapat maranasan ang kapayapaan. Ipadama sa mga anak na ang ama ay ama, ang ina ay ina, at ang anak ay nakakadama ng pag-aalaga, pangunawa at pagmamahal galling sa magulang.

Halimbawa at sinaway ang maliit na anak na huwag tumakbo sa ibabaw ng mesa. Tumakbo pa rin, nahulog. Pinalo ng nanay ang mesa. Mali, walang kasalanan ang mesa. Ang may kasalanan ay ang bata. Ipaalam sa bata ang kanyang kamalian upang siya ay matutong magdesisyon ng tama. Ipaalam ang tama at mali para malaya siyang makapag-desisyon. Kaya marami ang anomaliya ay dahil walang umaako sa kasalanan at responsibilidad. Kung lumalabas ang katotohanan, ang sarili ay matutuwa, ang iba ay matutuwa rin. Ang kapayapaan ay pang mundo.

Ano ang katotohanan?

I. Ang KATOTOHANAN ay TUNAY

Tungkol sa DIYOS:

· Na ang Diyos ay Espiritong Makapangyarihan na lumikha ng lahat ng bagay.

· Na ang Diyos ay mapagmahal na lumikha ng taong kawangis Niya.

· Na ang Diyos ay Amang nagtitiwala sa taong mag-aalaga sa mundo.

Tungkol sa TAO:

· Na ang tao ay hindi Diyos. Na ang tao ay may katauhan mula sa lupa at may kaluluwang tulad sa Diyos.

· Na ang tao ay malaya at may pananagutan, nagmamahal at nakikiisa.

· Na ang tao ay may katawang naghahanap ng ganda, may isip na naghahanap ng katotohanan, may puso na naghahanap ng pag-ibig, may budhi na sumasang-ayon sa mabuti at tumututol sa masama.

Tungkol sa MUNDO:

· Na ang lahat ng likas na yaman ay para sa kabutihan ng lahat ng tao.

· Na ang mundo ay pansamantalang tahanan ng tao sa kanilang paglalakbay tungo sa Diyos.

Tungkol sa LIPUNAN:

Economiya:

· Na ang lahat ng yaman ay para sa ikabubuhay ng lahat ng tao.

· Na ang lahat ng may kakayanan ay magtatrabaho upang paunlarin ang yaman.

· Na ang yaman/tubo mula sa pawis ng manggagawa, mga namamahala at may-ari ng capital ay makatarungang paghahatian ayon sa nararapat.

· Na ang may sakit, bata, may kapansanan at di nakakapaghanapbuhay ay tutulungan.

Polical:

· Na ang kapangyarihan ng namumuno ay para sa kabutihan ng pinamumunuan at naglilingkod sa kabutihan ng lahat.

· Na ang kapangyarihang political ay para sa paglilingkod sa lahat ng mamamayan lalo na sa mahina.

· Na ang tunay na paglilingkod ay batay sa sa pangangailangan ng pinaglilingkuran at katapatan ng naglilingkod.

Kultura – Mahalaga ang kanyang pagkatao at ito ay ipinapahayag. Ang pag-uusap ay ayon sa isip at puso, hindi ayon sa papel. Kung ganito, MAKATAO.

· Na ang natitira na lang kung ang lahat ay wala na… values.

· Na ang pinahahalagahan, minamahal at ipinagmamalaki ng ating lahi na nakaukit sa ating kasaysayan, awit, tula at mga salawikain.

II. PEACE IN THE SOCIAL SPHERE

Ano ang katotohanan ayon sa nakalarawan.

· Pagwasak ng kapaligiran para sa kapayapaan ng iilan (Environmental Degradation for the benefit of a few: Pagiimbok ng kayamanan para sa iilan lamang (Hoarding of economic wealth)

· Ang katotohanan, dapat ay ang material na yaman at ganda na nilikha ng Diyos ay paghahatian upang ang lahat ng tao ay mabuhay.

· Pag-aabuso sa kapangyarihan para sa ilan lang (Abuse of Power: accumulation ang use of political power for domination by a few)

· Ang katotohanan: Dapat ay pantay-pantay ang pagkilala sa karapatan at ang pagtupad ng kanya-kanyang gawain.

· Gamitin ang kapangyarihan sa paglilingkod na magreresulta sa pag-unlad ng tao sa kanyang karapatan at pananagutan.

· Ayusin ang mga sigalot sa pamamagitan ng matapat o makatotohanang diyalogo at patas na pagtimbang sa di-pagkakaunawaan. Huwag gawing kawawa ang mga dukha.

· Si Bush busabos ang halimbawa ng pag-aabuso ng kapangyarihan sa nangyayaring gera sa Iraq ng dahil sa langis, sa yaman.

Ano ang pinahahalagahan ng mayayaman? Kultura sa pagkain. May McDonald ba dito sa Marinduque? Mabuti naman at wala.

Ito ang sinasabing “globalization of culture.” Ang mahalaga ay kita, pera, kapangyarihan. Walang pakialam. Mali ang pagpapahalaga at pinapahalagahan.

Huwag iiwan sa itaas lahat ng pagpapasiya. Kung magsasabihan ng opinyon at pakiramdam at bukas ang isip at puso at hindi maghuhusga, magkakaliwanagan. I-evaluate ang pangyayari at walang sisihan. Ang kamalian ay hindi dapat ulitin. Matuto sa kamalian.

Digmaan: Ang malakas ay tama.

Ang katotohanan – dapat ay nagbibigay ng buhay dala ng pag-ibig o pagmamahalan sa kapwa. Magkaisa, ipagtanggol ang ikinabubuti ng maraming tao, iangat ang karapatan na makisalamuha sa kapwa.

Nawawalan ng halaga ang makahulugan at ang pinahahalagahan ay ang hindi mahalaga (value distortion)

Kristiyanong Pilipino, ano ang mahalaga?

Nabibigyan ng pera – ok na.

Kung ano ang nasa puso, iyon ang lalabas.

Turo ng Papa

Katotohanan:

Diyos makapangyarihan, gumawa ng lahat ng bagay para sa lahat.

Ang regalong ibinigay ng Diyos ay dapat pagyamanin.

Ano ako?

Ako ay tao na kawangis ng Diyos. Ako ay buhay, malaya at may pananagutan. Ako’y nagmamahal at minamahal.

The highest point of intersubjectivity is giving self in pagtatalik.

Binigyan tayo ng Diyos ng ISIP at TALINO para makita ang tama at mali.

Tayo ay mayaman kahit mahirap, basta alam ang katotohanan.

Binigyan tayo ng MALAYANG PAGPAPASIYA

tao – malaya: moving by decision

aso – di malaya: moving by instinct

RESURRRECTION/PAGKABUHAY NA MAG-ULI – Pista ng Kapayapaan

Ipinaalaala ni Sr. Andrea ang estorya ang alibughang anak. Mahal na mahal ng ama ang anak, na hindi pa man humihingi ng tawad ang anak ay pinatawad na at ipinaghanda pa ng salu-salo. Iyan ang pagmamahal ng ama sa anak. Ito ang espiritu ng pag-ibig. Tayo ay nagkakasala nang paulit-ulit subalit laging pinapatawad.

Katotohanan ng Kapayapaan sa personal na level:

Walang kapayapaan kung patuloy na nakakaramdam ang tao ng kaapihan, galit, at takot. Kung patuoy na nararamdaman ng tao na siya ay biktima, walang kapayapaan. Ang tao ay walang kapayapaan kung patuloy siyang maghahanap ng mali sa iba para mapagtakpan ang sariling kasalanan at mabigyan ng dahilan ang kanyang pagkagalit.

Kapag pagalit na nakikita ng tao ang iba sa halip na ang sariling galit ang makita at labanan ito, nananatiling inihihiwalay ang may kinikiming galit, ang tao ay nananatiling bilanggo sa kanyaang nakaraan, kaya hindid nagkakaroon ng kapayapaan sa sarili.

Ano ang sagot o dapat gawin?

1. Magpatawad. Palayain ang sarili sa galit at isuko o kalimutan ang pagtingin sa sarili bilang biktima. Bayaang magkaroon ng bagong karanasan at simulan ng pagtanggap ng pangunahing responsibilidad kung sino ang bagong siya at tingnan ang pagkasira sa perspektibo na ang sariling kakulangan o kamalian ay hindi na hadlang sa pakikipagkapwa. Papaano nating maasahang perpekto ang iba kung mismong sarili natin ay hindi perpekto. Sa ganito, maiisip natin na tayo ay napatawad na at mauunawaan natin na tayo ay nakapagpatawad na.

2. Pero ang pagpapaatwad ay:

· hindi pagpapaliwanag. Ito ay pagsuko sa kagustuhang mapigil ang nakaraan at pagtangging mapigil.

· Hindi paglimot kundi mabuting paggamit sa naging karanasan. Hindi dapat kalimutan ang kamalian. Ito ay dapat:

o Harapin ang nangyari at iayon ito sa kabuoan.

o At ang di paglimot na ito ay:

§ maaaring pagbabang-buhay

§ pagpapatawad nang ganap

Ang pagliligtas ay nakasalalay sa Pag-aalaala.

· Diyos lang ang nagmamahal at nagpapatawad ng “uncondiitionally.”

· Ang pagpapatawad ng “unconditionally” ay magwawalang-halaga sa ating dapat pinapatawad sa pamamagitan ng pagpaparamdam na wala siyang responsibilidad sa kanyang mga pinipili o pinahahalagahan.

· Ang pagpapatawad ay hindi pagtatanggal ng responsibilidadd sa mga gawi o gawa. Dapat nating malaman na ang ating mga gawi ay nakakapekto sa mga taong mahal natin.

· PAKIKIPAGTUOS hindi “unconditional” na pagpapatawad ang kinakailangan sa pauli-uli na pag-uugaling nakakasakit.

Ang pagbabago at paghihilom ay hindi mangyayari kung hindi tayo handa na tumanggap ng ating rresponsibilidad at tumigil ng paninisi sa iba nang dahil sa ating mga problema.

· Kahit mga biktima ay may pananagutan sa kanilang mga ginagawa sa ngayon. ang dapat nilang gawin para magkaroon ng paghihilom ay:

o tigilan ang paghahanap ng paliwanag at huwag tingnan ang sarili bilang biktima.

o Simulan ang paglilinis sa sarili. Sa maikling salita, patawarin ang sarili, ang kapwa, at pag minsan kahit ang Diyos.

III. PANGAKO PARA SA KAPAYAPAAN

Pagkilala sa dahas na nasa sarili kong puso, subalit may pananalig at pagtitiwala sa kabaitan at awa ng Diyos.

· Aking lalabanan ang masama at kumilos nang walang karahasan upang buwagin ang mga sanhi ng kaguluhan mula sa puso ko at sa daigdig.

Aalamin ang aking pananagutan na taglay ng aking karapatan at malayang pagpapasya upang magkaroon ng kaganapan ang kapayapaan.

Inihnada ni:

SR. FE ANDREA COLLANTES, OSB