15th Foundation Anniversary, ipinagdiwang ng Parokya ng Mahal na Puso ni Jesus
By Diocese of Boac • Jul 7th, 2010 • Category: Parish News & UpdatesPORAS, BOAC – Masayang ipinagdiwang ng mga parokyano ng Mahal na Puso ni Hesus ang ika-15 pagkakatatag ng parokya ng Mahal na Puso ni Hesus noong ika-23 ng Hunyo, sa ika-8:00 ng umaga na pinangunahan ng Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista, DD.
Kabilang sa naging paghahanda para sa pagsapit ng nasabing okasyon ang Barangay Babad, Mass Wedding at Kumpilang Pamparokya sa pamumuno ng Lingkod Pari na si Reb. Pdre Ian Retardo.
Matagumpay ding naisagawa ang blessing ng bagong kumbento ng parokya na ginanap noong ika2 ng Hunyo, kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng nasabing Lingkod-pari.
Ang nasabing kumbento ay pinasimulan ni Msgr. Ramon Magdurulang at pinagpatauloy ni Fr. Peter Recalde Jr. at naipatapos ng kasalukuyang lingcod pari na si Fr. Ian.
Taos-puso namang nagpasalamat si Fr. Ian sa biyaya na natanggap niya at sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta sa mga proyekto ng parokya.
Diocese of Boac is
Email this author | All posts by Diocese of Boac









