Diocese of Boac

Marinduque, Simbahan ng mga Dukha na may Katarungan, Pag-ibig at Kapayapaan

Imahen ni San Juan Ma. Vianney, bumusita sa mga barangay

By Diocese of Boac • Jul 7th, 2010 • Category: Parish News & Updates

IMG_7755

Nagsimula ng maglakbay ang imahen ng patron ng mga Lingkod-Pari na si San Juan Ma. Vianney sa Parokya ng Banal na Krus, Sta. Cruz. Nagsimula ang paglalakbay sa Brgy. San Isidro sa ganap na ika-5:00 ng hapon noong Hunyo 16.

Ang pagdalaw ay nagsisimula sa isang Banal na Misa at sinusundan ng mga panayam upang ipakilala ang santo at ipaliwanag ang pananaw, layunin at gampanin, ng Samahan ni San Juan Maria Vianney. Naglalayon din ang paglalakbay na ito upang lalo pang palakasin ang kasapian ng nasabing samahan.

Ang gawaing ito ay sa Pangunguna ng pamparokyang pamunuan ng Samahan ni San Juan Ma. Vianney at ng apat na lingcod-pari ng parokya na sina Fr. Allan, Fr. Bong, Fr. Peter at Fr. Jovin.

IMG_7960

Leave a Reply

Security Code: