Diocese of Boac

Marinduque, Simbahan ng mga Dukha na may Katarungan, Pag-ibig at Kapayapaan

Simbahan sa Balanacan, pinalitan ang bubong at sound system

By Diocese of Boac • Jul 7th, 2010 • Category: Parish News & Updates

Balanacan, Mogpog – Panatag na ang loob ni Fr. Sherwin at ng mga taga parokya ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay ngayong tag-ulan dahil napalitan na ang bubong ng simbahan na dati’y tumutulo tuwing umuulan.

Umabot sa mahigit apat na daang libo ang naging gastos sa pagsasaayos ng bubong ng simbahan at paglalagay ng bakal na truses at parlinas ng ilang bahagi ng bubong. Kasabay na isinaayos ang electrical wiring ng simbahan upang masiguro ang kaligtasan sa sunog dahil sa kuryente.

Nakapaglagay na rin ng maayos na sound system sa kabutihan ng isang tao na buong puso na nagbigay para sa parokya. Malaki din, ang naiambag ng katatapos na hermano at herrnana ng fiesta para sa pagsasaayos ng loob ng simbahan.

Sa pagtutulungan, unti unting naisasaayos ang simbahan. Salamat sa lahat ng may mabubuting kalooban na patuloy na tumutulong sa mga proyekto ng parokya. Bahagi na rin ang mga pagsasaayos na ito sa pagdating ng pagdiriwang ng taunang pagtitipon ng Samahan ni San Juan Ma. Vianney na kung saan ang nasabing parokya ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan ang host sa taong ito.

Leave a Reply

Security Code: