Diocese of Boac

Marinduque, Simbahan ng mga Dukha na may Katarungan, Pag-ibig at Kapayapaan

Formation Program ng mga pari, nagpapatuloy

By Diocese of Boac • Jul 7th, 2010 • Category: Diocesan News

Pansamantalang iniwan ni Reb. Pdre. Senen Milambiling ang Parokya ni San Isidro Labrador, Mogpog upang bigyang-puwang ang Mid-life Formation Program na ibinibigay sa mga pari. Ang nasabing paghuhubog ay isinasagawa sa sa St. John Mary Vianney Galilee Center, Tagaytay City. Si Fr. Senen ay mananatili roon ng isang buwan mula Hunyo 7 hanggang Hulyo 9, 2010.

Susunod sa kanya si Msgr. Ramon Magdurulang upang sumailalim naman sa Senior Clergy Program mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 9. matatandaang taon-taon, ang diyosesis ay nagpapadala ng dalawang pari sa Galilee Center para sa nasabing mga gawain at paghuhubog.

Kumuha naman ng Summer Course on Spiritual Direction si Reb. P. Nicanor F erangco saEast Asian Pastoral Institute (EAPI), Ateneo De Manila mula noong Mayo 23. Si Fr. Nick ay kasalukuyang Professor at Spiritual Director sa St. Alphonsus Regional Seminary, Lucena City.

Malaking tulong ang pagpapanibagong ito sa lalo pang ikatatatag at ikasisigla ng buhay-ministeryo ng ating mga lingkod-pari.

Leave a Reply

Security Code: