Pagtatapos ng Taon ng mga Pari ipinagdiwang ng Diyosesis
By Diocese of Boac • Jul 7th, 2010 • Category: Diocesan NewsBoac, Marinduque – Ika-11 ng Hunyo 2010, ipinagdiwang ang pagtatapos ng Taon ng mga Pari at Taon ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus at Kalinis-linisang Puso ni Maria sa Katedral ng Inmaculada Concepcion sa Boac, Marinduque.
Sinimulan ang pasinaya sa Isang prusisyon sa bayan ng Boac sa ganap na ika-7:00 ng umaga sa pangunguna ng minamahal na Obispo Reynaldo G. Evangelista kasama ang mga pari, mga seminarista, Samahan ni San Juan Maria Vianney at ang samahan ng Apostolado ng Panalangin mula sa labing apat na parokya ng Diyosesis ng Boac. Ito ay sinundan ng pagdiriwang ng Banal na Misa sa ganap na ika-8:30 ng umaga.
Sa Banal na Misa tampok ang natatanging homiliya ng minamahal na Obispo Evangelista tungkol sa pagdiriwang. Lubos niyang ipinahayag ang kanyang pasasalamat sa nagdaang isang taon. Nagpapasalamat din ang Obispo sa nagdaang isang maayos at mapayapang eleksyon sa taong 2010, sa pagkakaroon ng mga bagong mamumuno sa ating bansa sa pangunguna ng bagong halal na Presidente at Bise Presidente, tanda ng bagong pag-asa ng bansa.
Inilahad din ng minamahal na Obispo ang hamon sa mga pari at mga layko. Aniya, “Lalo pa nating palalalimin ang ating pagmamahal sa Diyos at sa isa’t isa. Ang Diyos ay mananatiling Diyos ng Pag-ibig para sa atin na sinasagisag ng Kanyang Kamaha1-maha1ang puso at ang pamumuhay natin sa Pag-ibig ang siyang pa1aging pagmumu1an ng ating ka1igayahan at kabu1uhan ng ating buhay…. Ang pag- ibig ni Kristo ang nag-uudyok sa atin na mamuhay sa pag-ibig. “The love of Christ impels/ urges us…”(2Cor. 5:14).
Binanggit din niya ang natatanging hamon sa mga pari. Ayon sa kanya, “Hindi natatapos ang paanyaya ng Diyos na mamuhay tayo sa kabana1an at pag-ibig sa Kanya. Ang pagkapari natin ang lalong konkretong pag-ibig ng Diyos. Ang pagiging pari ang pinakamataas na karangalan na puwedeng ibigay ng Diyos sa sinumang tao. . . .Mahalin natin at pakakaingatan ang ating pagkapari.” Ang kahalagahan ng paglilingkod sa sambayanan ay dapat nakabatay sa diwa ng Pastoral Charity.” Nagtapos ang pasinaya sa pagpupulong ng mga opisyales ng Samahan ni San Juan Maria Vianney kasama ang minamahal na Obispo para sa paghahanda sa pandiyosesis na pagtitipon ng mga kasapi ng Samahan.
Diocese of Boac is
Email this author | All posts by Diocese of Boac








