Diocese of Boac

Marinduque, Simbahan ng mga Dukha na may Katarungan, Pag-ibig at Kapayapaan

Mga Mongha ng Sta. Clara, sumailalim sa Intensification Program

By Diocese of Boac • Jul 7th, 2010 • Category: Diocesan News

Bantauyan, Boac – Kaugnay ng paghahanda para sa kanilang Solemn Profession, sumailalim ang 15 mongha sa Juniors Intensification Program sa monasteryo ni Sta.

Clara sa Bantauyan, Boac. Masaya silang tinanggap ng Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista D.D. noong ika-14 ng Hunyo sa kanilang pagdating sa monasteryo ng diyosesis.

Ang mga monghang nasa Juniorate ay nagmula pa sa iba’t ibang monasteryo ni Sta. Clara sa Pilipinas. Pormal na sinimulan ang kanilang pag-aaral at paghuhubog noong ika- 13 ng Hunyo at magtatapos sa ika-25 ng Hulyo 2010.

Leave a Reply

Security Code: