Diocese of Boac

Marinduque, Simbahan ng mga Dukha na may Katarungan, Pag-ibig at Kapayapaan

Holy Spirit Mass, ginanap sa mga Catholic Schools

By Diocese of Boac • Jul 7th, 2010 • Category: Diocesan News

Muling dinalaw ng Lubhangg Kgg. Reynaldo G. Evangelista, DD ang mga Catholic Schools ng Diyosesis upang pamunuan ang HOLY Spirit Mass bilang hudyat ng pagsisimula ng taong pampaaralan 2010-11.

Una siyang nagdiwang ng Banal na Misa sa Saint Joseph Academy, Brgy. Napo, Sta. Cruz, sa ganap na ika-8:00 ng umaga at Our Mother of of Perpetual Succor Academy sa bayan ng Torrijos sa ika-10:00 ng umaga noong Hunyo 16, Kasunod niyang binisita ang St. Mary’s College, Boac noong Hunyo 21 at ang Holy Infant Parochial School noong Hunyo 22.

Isinagawa rin sa pasinayang ito ang oathtaking ng mga guro ng bawat paaralan. Naroon din sa pagdiriwang ang bawat director ng paaralang nabanggit na sina Reb. Pdre. Edwin Sager (SJA), Reb. Pdre. Martin Puertollano (OMPSA) at Reb. Pdre. Jovin Grimaldo (HIPS).

Ipinagpapasalamat naman ni Bp. Evangelista ang pagkakaroon ng bagong silid-aralan para sa ika-5 baitang ng Holy Infant Parochial School. Patuloy ang pagsisikap ng diyosesis upang lalo pang mapalakas ang mga pamparokyang paaralan bilang bahagi ng misyon ng Simbahang Local.

Leave a Reply

Security Code: