Diocese of Boac

Marinduque, Simbahan ng mga Dukha na may Katarungan, Pag-ibig at Kapayapaan

Buhay BPK , masigla , Patuloy na nagkakaisa

By Diocese of Boac • Jul 5th, 2010 • Category: Diocesan News

Isinagawa ang pang kalahatang pagtitipon ng mga Batayang Pamayanang Kristiyano sa parokya ng Mahal na birhen ng Sto. Rosario sa Tapian, Sta Cruz noong Mayo 21, 2010 kasabay ang parokya ng San Rafael sa Cawit, Boac at noong May 29, 2010 isinagawa rin ng mga Batayang Pamayanang Kristiyano ng Brgy. Tabionan ang kanilang ikalawang taung anibersaryo. Na ang nasabing pag titipon ay dinaluhan ng mahigit limang daang kasapi ng BPK mula sa (2) parokya (parish level) at (1) BPK area (Brgy. Level ).

Image0366

Naging bahagi sa mga pagtitipon ang Social Action director na si Reb. P .Allan Malapad, Asst. director – Reb.P. Edison Lotilla at mga social action staff sa parokya ng Tapian at parokya ng Cawit. Naging bahagi naman ng mga Batayang Pamayanang Kristiyano ang minamahal na Kgg. Obispo Reynaldo G. Evangelista, DD obispo ng Boac, kasama si Reb. P. Eulogio L. Mangui sa barangay Tabionan upang makaisa at makadaupang palad ang mga BPK liders at mga kasapi nito.

Isinagawa sa nasabing pagtitipon ang pag-uulat ng bawat BPK area ang kanilang kasalukuyang ginagawa bilang mga BPK. Matingkad sa kanilang mga ginagawa ang regular na Bible Sharing bilang pinakamahalagang gawain bilang kasapi ng BPK upang mas higit na mapalapit sa diyos. Ayon sa kanila, ang mga problema ay “kayang-kaya” at madaling nalulutas kung laging may pagninilay sa salita ng Diyos.

Damang-dama ng BCC-CO program at ng buong programa ng SAC ang kasigasigan ng mga lingkod pari sa tatlong parokya sa pangunguna ni Reb. P. Jose R. Pedrigal sa Tapian, Reb. P. Saturnino Rioveros sa Cawit at Reb. P. Eulogio L. Mangui ng Gasan kasama ang mga PPC, BPC at mga BPK liders sa pagpapatatag ng mga BPK sa kani-kanilang parokya.

Lalo pang nagpalakas sa mga BPK ang mga mensahe na ibinigay ng mga naging panauhin sa nasabing pagtitipon.

Binigyang diin ni Gng. Dorie Sapunto SAC Program coordinator sa kanyang mensahe at 3 misyon ni kristo na dapat taglayin ng mga BPK. Bignigyang pansin naman ni Reb. P. Allan sa kanyang mensahe na ang pari ay ‘di lamang pari, kundi sila ay mga servant leader at binanggit pa niya “As the priest I saw the people” sa pari unang nakikita ang katauhan ng Diyos. Kaya’t paghindi inasikaso ng pari ang kanyang mga tao na sakop ng parokya alalahanin natin ang sinabi ni Jesus “Ako ang mabuting Pastol “ .

Nagsilbing inspirasyon rin sa mga BPK ang mensahe ng Obispo. Sinabi niya “Salamat sa pagmamahal ninyo sa Diyos.Totoo ang Diyos.Ang diyos ay mabuti nag mamahal sa atin.Malapit sa ating ang Diyos.Napakaganda nating gawin lagi ang manalangin sa kanya.Diyos palagi ang nagbibigay sa atin ng kapangyarihan upang gawin ang kabutihan Ang Diyos na mabuti,sumusubaybay at gumagabay sa ating buhay”

Nakita ng program na malaki ang kaibahan nang may patuloy na suporta ang kaparian sa pagsusulong ng programa sa bawat parokya, sapagkat ang BPK ay buhay, masigla at patuloy na nakikiisa sa mga gawaing pambarangay, pamparokya at maybuhay na pananampalataya. Sa ganitong kalagayan na nakikita ng programa na pagkakaisa ng mga parokya sa tulong ng mga lingkod pari at mga lider layko madali nating maabot ang pangarap ng ating diyosesis na “Simbahan ng mga dukha na may pag-ibig at kapayapaan.

Leave a Reply

Security Code: