Mga Lolo at Lola ng Parokya, pinarangalan sa piesta ng Balimbing

Itinanghal na G. Lolo at Gng. Lola ng Parokya ni Maria Mapag-ampon ng mga Kristiyano sina G. Raymond Amodia at Gng. Ofelia Amodia noong ika-2l ng Mayo 2010 sa Ilaya National High School. Sila ang mga kandidato at kandidata ng Barangay Balimbing para sa Search for G. Lolo at Lola kaugnay ng fund raising project ng nasabing parokya na pinamumunuan ng Lingkod Pari na si Reb. Pdre. Edison Lotilla. Dinaluhan ito ng mga Punong Barangay, Sangguniang Barangay, Sangguniang Kabataan at mga piling panauhin.

Sina G. at Gng. Amodia ay mga butihing magulang ni Reb. Pdre. Rhoteto Amodia. na kasalukuyang nakadestino sa Parokya ni San Jose, Napo Sta.Cruz.

Ang pinakatampok sa okasyong nabanggit ay ang paggawad ng “Corona at Sash” sa limang mga nanguna sa patimpalak na pinamunuan ng Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista D.D. Nagbigay din ang minamahal na Obispo ng isang pampasiglang pananalita. Ayon sa kanya “saludo” siya sa mga lolo at lola na lumahok sa patimpalak.

Binati rin niya si Rv. Fr. Edison Lotilla at mga taong nanguna sa pagkakaroon ng isang naiibang patimpalak na ito.

Ang pasinayang ito ay naglalayon di lamang upang makalikom ng pondo para sa pagpagawa ng bagong kumbento kundi upang lalo pang mabuo ang pagkakaisa ng mga barangay at bigyang pansin ang kakayahan at kahalagahan ng ating mga lolo at lola sa kabila ng kanilang katandaan.

G. Lolo at Gng. Lola ng Parokya

G. Lolo Raymond Amodio at Gng. Lola Ofelia Amodio

(Brgy. Balimbing)

1st Runner Up

G. Clodualdo Magcamit at Gng. Lona Anacorita Magcamit

(Brgy. Takwak)

2nd Runner Up

G. Lolo Ignacio Macayaon at Gng. Lola Trinidad Macarang

(Brgy. Pawa)

3rd Runner Up

G. Lolo Roselito dela Cruz at Gng. Lola Josefina Malapad

(Brgy. Boton)

4th Runner Up

G. Lolo Efren Buenaventura at Gng. Lola Regina Buenaventura

(Brgy. Mainit)