LIHAM PASTORAL BLG. 3 SERYE 2009

Marso 20,2009

Minamahal na mga Pari sa buong Diyosesis, Pamunuan ng mga Parish/ Barangay Pastoral Councils, mga Samahang Banal at Organisasyong Pangsimbahan, mga Batayang Pamayanang Kristiyano, at Banal na Bayan ng Diyos:

MAHALAGANG PAGBABALlK TANAW

Nais kong anyayahan kayong lahat na magbalik-tanaw sa malagim na sinapit ng lIog-Boac noong Marso 24, 1996 bunga ng kontaminadong basurang-mina na pumatay sa lahat ng yaman at buhay nito dahilan sa pagkasira ng Tapian Pit ng Marcopper Mining Corporation. Labintatlong (13) taon na ang nakalipas nguni’t wala pa ring malinaw na programa kung paano ita lilinisin upang maging Iigtas ang kalusugan ng mga mamamayan laban sa anumang kontaminasyon. Lubhang mahirap na itong mabigyan ng rehabilitasyon lalo na at ang gilid naman nito’y nagiging tambakan na ngayon ng mga basura mula sa kabayanan ng bayan ng Boac at dito rin sinusunog ang mga basurang ito.

Gayundin naman, inaalaala natin ang katulad na trahedyang sinapit ng ilog Mogpog matapos namang mawasak ang Maguila-guila Siltation Dam noong Disyembre 6, 1993 0 labinlimang (15) taon na ang nakalipas. I Dahilan sa malaking pagbaha na idinulot nito at sa mahabang panahong walang rehabilitasyon, ang ilog-Mogpog ngayon ay higit pang mataas ang katayuan kung ikukumpara sa pamayanan ng Barangay Bocboc. Isa itong napakalaking panganib na nagdudulot ng agam-agam at alalahanin sa mga mamamayan at mga pamahalaang lokal ng Mogpog at barangay Bocboc. Kung magkakaroon ng malalakas na bagyo at malalaking pagbaha, na I lalong pinalalala ng mga epekto ng nagbabagong klima, maraming buhay sa barangay Bocboc ang nanganganib na mawala at kasamang masira ang mga tahanan ang mga imprastruktura doon.

Sa gitna ng mga katotohanang ita na hayagan nating nakikita at nararanasan, hindi maaaring magsawalang-kibo na lamang ang bawa’t isa sa atin. I

PAGNINILAY SA PANAHON NG KUWARESMA

Sa panahong ito ng Kuwaresma ay binibigyan tayo ng mga hamon upang pagyamanin at maging malalim ang ating mga pagninilay laiD na sa pagpapakasakit at pagmamalasakit sa ating kapwa at sa ating kapaligiran at maging sa ating mga pamayanan.

Batid nating kung hindi maibabalik ang dating lalim ng ilog-Mogpog, tuluyang lulubog ang pamayanan sa barangay ng Bocboc at magdudulot ita ng kamatayan sa mga mamamayan at pagkasira ng higit na maraming ariarian at mga inadhikang agrikultura. Kung hihintayin natin ang tugon dito ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaang pambansa ay lubha pang napakatagal sukdulang abutin na ng kalamidad sa panahon ng mga pagbagyo na ngayo’y pinatitindi ang epekto bunga ng pagbabagong klima.

Kung magpapatuloy naman ang pagtatapon ng mga basura sa gilid ng ilog-Boac, magdaragdag naman ita ng kontaminasyon mula sa lason ng mga sinusunog na basura at plastik sa mismong ilog-Boac na nagpapanumbalik na sana ang buhay, maliban pa sa epekto nito sa patuloy na pagkasira ng tinatawag nating “ozone layer”.

Ngayon ang tamang panahon upang pagmalasakitan natin ang ating kapwa tulad nga ng iniutos sa atin ng Konstitusyong Pastoral Hinggil sa Simbahan sa Makabagong Panahon ng Ikalawang Konsilyo Vaticano na nagsaad ng ganito: “Ang mga ligaya at lunggati, ang mga alalahanin at panimdim ng mga tao sa makabagong panahon, lalo na silang mga dukha o sa anumang paraan ay nagdurusa, ita rin ang nararapat na maging ligaya at lunggati, alalahanin at panimdim ng mga tagasunod ni Kristo.” (Gaudium et Spes #1).

Noong nakaraang Marso 4, 2009, inilunsad natin sa ating Diyosesis ang Alay Kapwa na ang kabuuang diwa ay ang pagtulong sa kapos ng mga sagana laiD na ngayong panahon ng Kuwaresma. Nagkakaroon ng malalim na kahulugan ang ating iniaalay na talino, oras at yamang-tao o maging lakas-tao kung ita ay iniuukol natin sa higit na mga kapuspalad. May higit na malalim ding kabuluhan ang anuman nating iniaalay kung ita ay may kalakip na pagmamalasakit at sakripisyo.

Ipinaaala-ala muli sa atin ang Ikalawang Sulat ni San Pablo sa mga taga-Corinto sa pagkakataong ito na: “Kung paano nga kayo naghanda sa kusang pagbibigay, gayundin naman lubusin ninyo ayon sa nasa inyo. Ita ay sapagka’t kapag naroroon nga ang kahandaan, ita ay tinatanggap nang ayon sa kung ana ang mayroon sa tao at hindi nang ayon sa wala sa kanya.” (2 Corinto 11-12).

SAKRIPISYO AT MALASAKIT: ANG ATING PAGTUGON

Sa pamamagitan ng ating mga pagninilay na ita at sa ating paggunita sa ika-13 Taon ng Pagkamatay ng ilog Boac at ika-15 Taon ng Pagkasira ng ilog-Mogpog bunga ng pagmimina sa ating lalawigan, nananawagan ako na inyong Obispo sa inyong lahat na muli tayong magkaisa, magsama-sama, kumilos at mag-alay ng sakripisyo sa ilang kongkretong bagay na maaari nating gawin sa madaling panahon at sa panghinaharap tulad ng sumusunod:

1. Tawagin natin ang pansin ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaang lokal upang ipatupad ng lubusan ang mga tadhanain ng Republic Act 9003 (Solid Waste Management Act) upang ganap na ipagbawal at iwasan ang pagtatapon at pagsusunog ng mga basura (Municipal solid waste) sa baybayin ng ilogg-Boac, habang ang mga mamamayan naman ay nararapat ding makiisa sa maayos na pamamahala, makatotohanang segregasyon, at matuwid na pagtatapon ng mga basura;

2. Magsama-sama tayong lahat at magsakripisyo sa darating na Marso 24, 2009 (6:00 ng umaga hanggang 11 :00 ng umaga) upang tumungo sa Barangay Bocboc dala ang mga sako, pala, at iba pang kagamitan upang mag-am bag tayo ng lakas para sa panimulang pagpapalalim nito para naman maiwasan ang anumang posibleng kalamidad na idudulot nito sa pagdating ng mga pagbagyo at pagbaha. Kinikilala ng ating Diyosesis na sa panahong ita ay ita ang nauukol na hakbanging kailangang gawin bilang ating paghahanda sa hindi inaasahang sakuna. Sa pangunguna ng MAGEG at ng Parokya ni San Isidro Labrador, katuwang ang mga pamahalaang lokal ng Bayan ng Mogpog at Barangay Bocboc, inaanyayahan ko ang lahat ng mananampalataya na ipakita natin na sa pamamagitan ng Alay Kapwa at sakripisyo ay maaari nating mabigyang-solusyon ang isang malaking problema.

Sa pamamagitan nito ay higit din nating mapapalalim ang ating paniniwala na sa pagmlmlna, nagpapasasa sa yaman at tubo ang mga minahan habang ang sakuna at problema ay naiiwan sa ating pamayanan. Sa karanasan na ito sa Mogpog, maging ang pamahalaang pambansa ay halos hindi makapag-abot ng tiyak na tulong upang mailigtas ang buhay at kabuhayan ng mga mamamayan at pamayanan.

3. Higit pa nating palakasin ang ating paninindigan upang hadlangan ang anumang uri ng pagmimina na batid nating magdudulot ng pagkasira sa natitira pa nating yaman ng kalikasan sa ating lalawigan.

Marami nang isinagawang pag-aaral hinggil sa epekto ng pagmimina sa ating Isla at ita ang nagpapatatag sa ating paniniwala na kailangang bigyan ng mahabang panahon upang bigyang-pahinga ang pagod nang kalikasan ng Mannduque. Patatagin pa natin at suportahan ang paninindigan nn ng Sangguniang Panlalawigan para sa 50 taong moratoryum sa pagmimina sa lalawigan ng Marinduque.

Umaasa akong bawa’t parokya, organisasyong pansimbahan, mga Sangguniang Pastoral at mga Batayang Pamayanang Kristiyano ay buong pagkakaisang mag-aalay ng mga sakripisyo at ambag na tulong upang kongkreto nating maisabuhay ang Alay Kapwa sa ating Diyosesis sa mga panahong ita sa pamamagitan ng pakikiisa sa aking tatlong panawagang inihanay.

Hinihiling ko nn sa ating mga Pari na basahin ang Liham Pastoral na ita ng inyong Abang Lingkod sa lahat ng Misa sa darating na Linggo (Marso 22,2009).

Sa pamamagitan ng mga panalangin ng Mahal na Birhen ng Biglang-Awa, Patron a ng ating Diyosesis, nawa’y bas bas an ng Panginoong Diyos ang ating mga pagsisikap, saknpisyo at pagmamalasakit sa ating kapwa. Pagpalain nawa tayo ng Diyos.