Acting out Sexually

Kapag may dinadala sa Provincial Jail na akusado, napupukaw ang aking interest na alamin ang sinasabi ng batas kaugnay ng bintang katulad ng ilang mga sumusunod na kaso:

1. R.A. No. 7877 – An act Declaring Sexual Harassment Unlawful in the Employment, Education or Training Environment, and for Other Purposes.
2. Art. 333 – Adultery shall be punished by prision correccional in its medium and maximum periods.
3. Art.. 334 – The concubine shall suffer the penalty of destierro.
4. R.A. No. 8505, Sec 3, [a] – Rape shall be defined pursuant to Article 266-A of the Revised Penal Code, as amended by R.A. 8353, as a crime against persons.
5. R.A. No. 9262, Sec 3, B, [a] – rape, sexual harassment, acts of lasciviousness, treating a woman or her child as a sex object, making demeaning and sexually suggestive remarks, physically attacking the sexual parts of the victim’s body, forcing her/him to watch obscene publications and indecent shows or focing the woman or her child to do indecent acts and/or make films thereof, forcing the wife and mistress/lover to live in the conjugal home or sleep together in the same room with the abuser.

Lagi kung tinatanong ang aking sarili kung totoo mang ginawa ng akusado ang bintang sa kanya: Bakit niya nagawa ang mga bagay na ito?

Sa aklat na “Healing the Scars of Emotional Abuse” by Gregory L. Jantz with Ann McMurrary pahina 111, ipinaliwanag niya ang mga katagang “Acting Out Sexually.” Paliwanag niya: “If you have been emotionally abused, you may feel helplelss, overwhelmed, and without control. As such you may be especially vulnerable to experimenting and using your sexuality as a way to control those around you. This may initially take the form of dressing in a provocative manner or engaging in sexual jokes or innuendo. The danger of using your sexuality as a means of control is twofold – it distorts your ability to interact with other people without an added sexual component, and it can lead to sexual encounters for the purpose of testing or exhibiting control.”

Minsan nakita ko si Jose [hindi niya tunay na pangalan] na tuwang tuwa na nakikinig sa ama habang inaayos ang kanyang buhok. Siya ay akusado ng panggagahasa. Nang mapahiwalay siya sa ama, tinawag ko siya at sinabi ko ang aking nakita sa kanilang mag-aama. “Masiyang masiya kang kasama ng iyong ama ngayon at inaayos ang iyong buhok,” sabi ko. “Opo,” sabi niya. “Ganyan ba ang ginagawa sa iyo ng iyong ama ng nasa bahay kayo?” tanong ko. “Hindi po,” sagot niya at umasim ang kanyang mukha. Para ko ng nakikita kung paano siyang pagmalupitan at maltratuhin ng tatay. Minsan bumisita ako sa kanilang bahay at nakita ko ang kanilang maliit na bahay katulad ng bahay ng isang pamilyang isang kahig isang tuka. Kung ang mga kasambahay ay natutulog para silang sardinas sa dami at sa liit ng kuartong tulugan. Ang mga anak ay parang hagdanan ng bahay sa dami at sunod sunod ang laki. Parang ang nanay ay anak ng anak taun-taon.

Totoo nga palang kahit ang bata ay iyong anak, mahina, may gatas pa sa dila, kailangan irespeto ang kanyang buong pagkatao, dignidad, karapatan at kakayanan. Hawak ng nakakatanda ang mabuting kinabukasan ng isang bata kahit siya ay nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang nanay.

Ito ang paalaala sa atin ni San Pablo: “Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo ang inyong anak dahil sa malabis ninyong kahigpitan; sa halip, palakihin sila sa tuntunin at aral ng Panginoon.” [Efeso 6:4]