Mahal na Araw: Hindi Lamang Basta Palabas

K atatapos lamang ng mga Mahal na Araw. Tulad ng inaasahan ng iba at hindi naman dapat asahan, naging makulay daw ang pagdiriwang ng nabanggit ng mga Mahal na Araw sa pamamagitan ng mga pasyalan, mga outing, kainan, inuman, pagkuha ng mga larawan o pictures at panonood ng mga “palabas” na pang-Mahal na Araw.

Subalit tunay nga bang naging makabuluhan ang pagdiriwang natin ng mga Mahal naAraw? O0, hindi naman masama ang pagdiriwang ng mga Mahal na Araw sa pamamagitan ng mga panlabas na pagtatanghal at gawain. Nagiging taliwas lamang ang mga ito kung ang pagdiriwang ng mga Mahal na Araw ay nagiging palabas lamang 0 mga panoorin na nagbibigay-aliw sa mga manonood at wala ng iba pang intensiyon, nagiging pasayahan lamang 0 festival kumbaga. Ngayon, nasaan ang tunay na diwa ng Mahal na Araw? Ano ang naging mensahe sa atin ng pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoon? Naghatid ba ito sa atin sa pagbabalik-loob 0 conversion?

Kahit saang pagdiriwang ka rin pumunta, kapansin-pansin ang ang pagkuha ng mga videos 0 pictures. May mga nagaganap na pagkuha ng larawan sa harap ng magandang simbahan, sa imahen ng santo, 0 sa tabi ng morion. May mga videos din ang mga pagtatanghal. Souvenir, ika nga. Pero ang tanong, nag-iwan ba ng larawan ang mukha ni Hesus sa ating puso?

Naging buhay rin ang mga beach resorts, mga swimming pools at mga restoran. Biyernes at Sabado Santo pa lamang ay puno na ng mga tao ang mga ito. Kailangan mong maging maaga at baka maunahan ka sa medyo maganda-gandang cottage 0 puwesto. Baka ang puwestuhan mo ay doon sa dulong-dulo ng beach 0 hindi na pala beach na maituturing. Kainan dito, kainan doon. Inuman dito, inuman doon. Halos karaniwang ang mga taong nag-oouting kung Sabado Santo ay yaong nakipagprusisyong noong Biyernes Santo. Nakiisa kono! Ang masakit dito (hindi naman lahat), hindi man lamang nakiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay. Wala sa simbahan nang ipagdiwang ang Muling Pagkabuhay ng Panginoon.May ilan namang pumunta na ng outing ay hindi man lamang nakiisa sa pagdiriwang ng Banal na Misa. Paano na tayo n’yan?

Pero sa kabilang banda naman, nakakatuwa ring makita at maramdaman na unti-unti na ring namumulat ang ilan sa kahalagahan ng Pasko ng Pagkabuhay sapagkat sa ilang parokya ay makikita mong napupuno na rin ang simbahan sa pangmagdamagang pagdiriwang hanggang sa tradisyonal na Salubong 0 encuentro. Sana tuloy-tuloy na rin ita at ipamulat natin sa ating mga anak na igalang at makiisa sa pagdiriwang ng Mahal na Araw sa diwa ng pananalangin, pagsisimba at taos-pusong pagninilay.

Pinagnilayan natin sa mga araw na nakalipas ang Kasaysayan ng Kaligtasan. Nilimi natin kung ano ang ginawa ng Panginoong Hesukristo sa atin. Pinagmuni-muni natin kung sino tayo bilang mga Kristiyano.
Nawa ang pagdiriwang natin ng susunod pang mga Mahal na Araw ay magbigay sa atin ng kaisipang – ito ay hindi lamang isang panlabas na mga kasiyahan kundi nangangailangan ng pang-ispiritwal na paglalakbay (spiritual journey) at panloob na pagbabago (internal conversion).

Muling nabuhay ang Panginoon. Panahon na ng Pagkabuhay!
May panahon pa upang baguhin ang buhay natin.