Orden ng pagkadiyakono tinanggap ng 2 seminarista

Boac, Marillduque – Tinanggap ng dalawang seminarista ng Diyosesis ng Boac na sina Sem. Milliemar M. Perin at Sem. Christian Francis Regencia ang Orden ng Pagkadiyakono na iginawad ng Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista D.D., Obispo ng Boac sa loob ng Banal na Misang ginanap noong ika-3:00 ng hapon, Abril 23, 2009 sa Katedral ng Inmaculada Concepcion, Boac.

Matatandaang sumailalim muna ang dalawang seminarsitang nabanggit sa isang pagsusulit na isinagawa sa Sacred Heart Pastoral Center ng Diyosesis. Bago ang ordinasyon, sila ay sumailalim din sa ilang araw na retiro na isinagawa sa Monastery of St. Clare, Bantauyan, Boac.

Sina Reb. Perin at Reb. Regencia ay buhat sa Parokya ng Banal naKrlls, Sta. Cruz, Marinduque. Sila ay nagtapos sa St. Alphonsus Regional Seminary noong ika-22 ng Marso, 2009. Natamo nila ang titulong Cum Laude sa isinagawang comprehensive exam na ibinibigay sa pagtatapos ng ika-apat na taon nila sa teolohiya.

Ang dalawang bagong orden ay maglilingkod sa diyosesis bilang diyakono sa loob ng anim na buwan bago tumaggap ng Orden ng Pagkapari.