Pagbabasbas ng bagong palikuran, ipinaabot sa Mahal na Araw

Sta. Cruz, Marinduque – Isang bagong palikuran o comfort room ang itinayo sa Parokya ng Banal na Krus bilang bahagi ng paghahanda para sa pagdiriwang nito ng ika-400 taon ng Ebanghelisasyon.

Masayang nakiisa ang sambayanan sa isang simpleng pasinaya upang basbasan ang nasabing palikuran noong ika-29 ng Marso pagkatapos ng ikatlong misa sa ganap na ika-10 ng umaga. Ang pagbabasbas ay pinangunahan ni Reb. P. Allan Malapad, Lingkod-Pari. Matatandaang 27 taon na ang nakakaraan nang maitayo ang pinalitang palikuran.
Matapos ang pagbabasbas, ipinahayag ni Reb. P. Jovin Grimaldo ang taos pusong pasasalamat sa patuloy na pagsuporta ng mga mananampalataya ng Sta. Cruz para sa kaunlaran ng parokya.