HERESIYA AT SISMA
By Pulso • Mar 23rd, 2009 • Category: Mag Istoryahan Kita
Matapos ang ilang taong pagsusulat sa pahayagang ito ng Diyosesis ng Boac, naisipan kong baguhin ang pamagat ng aking kolum. Pareho pa rin halos ang nilalaman, subalit ang paraan ng pagpapahayag ay higit na praktikal at sa aking palagay ay magiging kaakit-akit sa mahilig mag-TSlKAHHHHHHH, hehehe, mag-kuwento pala. Palagay ko’y magiging higit akong malaya sa pagpapahayag ng mahahalagang bagay na may kaugnayan sa pangkalahatang kasaysayan ng ating Simbahan at ng sarili nating Diyosesis ng Boac. Yon bang tipong hindi gaanong pormal at seryoso na kung minsan ay binabasa lamang ng ilan para antukin at tuluyang makatulog. Kaya kung mahilig kayo sa kwento o kaya’y mag-text, ang kolum na ito ang bagay sa inyo. Ibibigay ko sa inyo ang hilig at bisyo ninyo hahahal Hala na! Mag-ISTORYA-han na kita.
Narinig mo bang mabuti yong Liham Pastoral Bilang 2 ng ating Obispo noong mga nakalipas na Linggo? Siguro naman kung nagsimba ka at hindi nakatulog o nakikipag-kwentuhan sa katabi, narinig mo ‘yon ano, hehehe. Opps, nabigla ka ba sa narinig mo? Sino nga ba ang hindi? Pero alam mo bagang sadyang nagaganap ito sa ating Simbahan noong una pa man. Nagsisimula pa lamang ang Simbahan noon sa Jerusalem ay mayroon nang kusang-Ioob na tumiwalag dahil sa iba’t-ibang kadahilanan. Hindi man nais ng mga apostol at ng mga kahalili nilang namumuno sa Simbahan ang ganitong paghihiwalay, ay ano pa naman ang magagawa nila ay nakalayas na ngani at nakapagtatag na ng sarili nilang grupo.
Pakinggi aring asabihin ko sa iyo. Kapag ang isang kristiyano katoliko ay may isa o higit pang paniniwala na taliwas sa itinuturo ng Simbahan natin, at hayagan niya itong itinuro sa iba, ito ang inatawag na HERESIYA. Halimbawa si Kulas, na isang akolito pa naman, ay nagsabi na hindi siya naniniwala na katawan nga ni Kristo ang kinonsagrang tinapay, at ipinamalita pa niya ito sa iba para makaakit pa siya ng mga kasamang hindi rin naniniwala sa katawan ni Kristo, ang tawag sa itinuturo niyang mali ay heresiya. Kahit tama ang kanyang paniniwala sa iba pang sinasampalatayanan ng Simbahan, nagkasala pa rin siya sa batas ng Simbahan natin ng heresiya.
Kalimitan ang maling paniniwala o heresiya ay nagdadala sa taong nagkamali tungo sa tinatawag na SISMA. Ang Sisma ay lantarang paghiwalay o pagtiwalag sa kalipunan ng kristiyanong mananampalataya, at pagtangging pasakop sa pamumuno ng Santo Papa sa Roma. Halimbawa, si Kulasa na isang lektor pa naman ay nagtayo ng sarili niyang grupo o kaya’y sumanib sa isang grupo na hindi kumikilala sa Simbahang Katoliko Romano at sa namumuno dito, ang tawag sa kanyang ginawa ay Sisma at ang tawag naman sa kanya ay sismatiko. Sisma po ang inaga-istorya-han natin ha! Hindi ASMA, hahaha. Baka naman asmahin na ngani kayo diyan sa katatawa. Kaya naman sa susunod na isyu na laang kita maga-istorya-hang muli. Wag sana kayong mabitin. Ang mundo natin ay punong-puno ng istorya, hahaha!
Pulso is
Email this author | All posts by Pulso


