HUWAG KANG PAPATAY!

Ang pagpapalaglag ng bata sa sinapupunan ay itinuturing na malubhang kasalanan. Ito ay ang pagpatay sa batang walang kalaban-laban na nasa sinapupunan ng isang ina. Ang maaari lamang magpatawad sa ganitong kasalanan ay ang Obispo. Sa ngayon paminsan-minsan ang Obispo ay nagbibigay pahintulot sa kanyang mga katuwang na pari na maggawad ng kapatawaran sa nagkasala ng aborsyon, depende sa bilang na sasabihin ng obispo. Sa ganitong pamamaraan ipinaaabot ang kabigatan ng kasalanang ito.

Pero bakit nga ba may nagpapalaglag ng bata sa sinapupunan? Sa isang sikolohikang pagtingin, sinabi ni Philip G. Ney sa aklat na “Deeply Damaged” pahina 91: “Our research has shown:

1. Parents who have had an abortion are more likely to abuse and neglect their children.

2. Parents who were mistreated are more likely to have an abortion.

3. Parents who have been mistreated tend to mistreat their children, depending upon the extent and the nature of their mistreatment including; physical abuse, verbal abuse, sexual abuse, physical neglect, emotional neglect and intellectual neglect.

4. Men and women who were neglected as children tend to neglect their spouses.

5. Women who are not supported are more likely to have both abortions and miscarriages.

6. There is vicious interlocking cycle between abortion and abuse.”

Mula pa ng ako’y magkaisip napapakinggan ko na ang mga salitang ito: “Ang buntis na babae ay dapat laging sinusuportahan at hindi dinudulutan ang problema.” Noon hindi ko lubhang nauunawanan ang mga katagang ito. Ngayon nagliliwanag sa akin na ang problema ay naaapektuhan ang bata sa sinapupunan at ang ina na nagdadalang tao. Ang isa sa hinahantugan nito ay aborsyon.

Paano kaya matutulungan sa dinadala niyang pasanin sa buhay ang nag-aborsyon? Sa aking pananaw, ito ang maaaring maitulong sa mga taong nag-aborsyon:

1. Patawarin ang kanyang kasalanan.

2. Dahil marahil sa mapait na karanasan niya noong bata pa siya katulad ng nasasaad sa itaas, kailangan maiproseso ang bubay niya.

3. Kailangang iyakan niya ang pagkawala ng kanyang anak.

4. Makatutulong din marahil ang tinatawag na visualization:

a. Isipin niya na ipinagdadalang tao niya ang bata na inabort niya.

b. Kausapin niya ang bata na nasa sinapupunan at sabihin ng maraming beses: Minamahal kita anak.

c. Isipin niyang isinilang niya ang bata at ang batang ito ay patay na

d. Bigyan ng pangalan ang batang isinilang.

e. Humingi siya ang patawad sa kanyang anak na namatay. Isipin niyang ang kanyang anak ay yumayakap sa kanya at pinatatawad siya. Pakinggan ang bawat kataga ng pagpapatawad ng anak: lnay pinatatawad na kita sa iyong ginawa sa akin. Salamat sa iyong pagmamahal na ipinadama.

f. Iyakan niya ang anak niyang namatay.

g. Isipin niyang inililibing niya ng maayos ang kanyang anak sa sementeryo.

h. Isipin niyang ang kanyang anak ay inaakay ng mga anghel paakyat sa langit. Ang anak ay may ngiting kumakaway. Pakinggan ang sinasabi ng anak: Inay, mahal kita! Paalam na! Ingatan mo ang iyong sarili at kinabukasan. Nakikita niya si Hesus sa langit na tinatanggap ang kayang anak at sinasabihan siya: Pinatatawad din kita! Mahal ko ikaw! Mag-ingat ka! Pagbutihin mo ang iyong bubay! Hihintayin din kita dito sa langit.

Sabi ni Hesus: ”Habag ang ibig ko at hindi hain. Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga banal” [Mateo 9: 13].