SINO ANG MANANAGOT? by: Letty J. Leal

Ika- 85th birthday ng aunt ko. Sa BEZ, Mariveles, Bataan siya hahandaan ng mga anak niya. Doon kasi nagtatrabaho ang 2 niyang anak na lalaki na pawang magaganda ang mga trabaho. Nagkayayaan kaming magkakapatid na sumama sa mga pinsan namin para maki-birthday.

Sa simbahan, Our Lady of Fatima Chaplaincy, Sunday mass, bigla akong nagulat. Nakapagtataka ang sermon ng pari! Alam kaya niya na ako ay taga ­Boac? Bakit kaya ginawa niyang halimbawa ang mga tao sa Boac? Ang mga taga-Boac daw ay well-behaved sa simbahan! Kasi daw pag may anak na umiiyak sa simbahan ay inilalabas ng nanay. Di daw tulad doon na pinababayaan na nag-iiyakan ang mga bata. Pero di niya ako kilala, sigurado ko kadarating ko lang doon, eh. Baka siya ang nakarating na dito sa Boac.

Gulat na gulat talaga ako. Diyata’t kahit sa malayong lugal sa Mariveles, ang Boac ay bida at kapuri-puri? Noon iyon, Aug.23, 2005. Pero sa ngayon kaya, kapuri-puri pa rin kaya? Sana naman ay hindi maging katulad ng isang simbahan na aking napuntahan. Napaaga ako ng dating at ako pa lang ang tao, Around 3:00 PM pa lang at ang Holy Hour ay 5:00 PM pa. Maya-maya limang estudyanteng babae ang dumating, mga naka-uniform pa at nagkanya-kanyang naupo. Hiwa-hiwalay na bangko sila. After a few minutes dumating ang 5 boys naman at isa-isang naupo din sa mga katabi ng mga girls. Magkaka-partner na sila. Nailang ako at ako’y lumabas. Nahihiya akong maging spectator.

Naala-ala ko ang sabi ng isang pari sa amin, Every post and corner and the WHOLE Cathedral is blessed and dedicated to the Lord In fact our Cathedral was blessed on April 25, 2001 by His Excellency, Bishop Jose F. Oliveros. Kaya we should respect our Cathedral. Siyempre naman, tahanan yata ng Diyos iyon. Dito ipinagdiriwang ang Eukaristiya, ang Banal na Misa. Sana naman ay hindi dito sa ating katedral mangyari, na maging lover’s rendezvous. Sayang ang napakagandang impression at very nice compliment ni Msgr. Pol M. Arana, priest of Our Lady of Fatima Chaplaincy doon sa BEZ, Mariveles, Bataan about our Cathedral. Believe na believe siya na ang mga mothers ng Immaculate Conception Parish ay huwaran, disiplinado at well-behaved parishioners. He is in full admiration and I can only wish na totoo nga sana ito. Kaya siguro our parents ay dapat maging aware sa mga teenager nilang anak. Hindi sila dapat maging strict. Give freedom to their children na mag-usap sa bahay para hindi dumadayo saan-saan, maging sa simbahan. It’s but natural na ligawan ang anak but on the right place sana naman. Huwag naman sa simbahan. Let’s respect the place of worship, di ba?

Maaaring may mag-react at tuligsain ako ngayon sa article kong ito. “Naku, parang di nagdaan sa pagkadalaga.” Naku, akala mo kung sinong banal, tsismosa naman.” Ang maisasagot ko, there’ll be no juvenile delinquent if there’s no parent delinquent. Hindi ba magulang ang sinisisi once na ang anak ay nalilihis ng landas? Ang anak ay regalo sa atin ng Panginoon The best gift of God to us. Dapat lamang na sila ay alagaan, turuan ng tama. Resposisibility natin ang ating mga anak. Kung ang ating mga anak ay mapariwara at pag tayo’y nag-exit na sa mundo, haharap na tayo kay Lord. Ano ang isasagot natin sa Kanya kapag siya’y nagtanong. “Ano ang ginawa mo sa lupa noong nabubuhay ka pa at ang anak mo ay napariwara?”

Bato-bato sa langit, tamaan ay huwag magagalit. Opinion ko lang po ito at paala-ala doon sa mga nakalilimot na hindi iginagalang ang simbahn. Mapait man po ang gamot, ito ay nakapagpapagaling.

Paala-ala sa mga anak:

KAWIKAAN1: 8-9, “Anak ko, dinggin mo ang aral ng iyong ama, At huwag ipagwalang-bahala ang turo ng iyong ina, Pagkat ang mga yao’y putong mong ubod ganda, Kuwintas ng karangalan, sakdal dikit at walang kapara.”