Panalangin sa Patay

May mga taong pumupuna sa mga taong ipinapanalangin ang mga patay.  Sinasabing wala na tayong magagawa sa mga patay.  Patay na ito.  Meron namang nananalangin sa mga patay.  Pagkamatay ng tao, sinisimulan na nilang magdasal sa panahon ng paglalamay, sa panahon ng siyaman, ika-apatnapung araw, sa babang luksa, sa buwan ng Nobiembre at sa Eukaristiya.

Ano ang kahalagahan ng panalangin sa mga patay?  Kinikilala ng Simbahang Romano Katoliko na natutulungan  ang mga patay na makapasok sa kaharian ng langit.  At ang mga panalangin ng mga patay na nasa kabilang buhay ay natutulungan ang mga taong naghihintay ng kanyang sariling kamatayan.  Sabi ni San Juan Maria Vianney tungkol sa panalangin sa mga patay:  “We must pray for them so that they will pray much for us.”

May mga psychotherapists na naniniwala na ang panalangin sa patay ay makakatulong sa mga tao at sa mga pamilya upang maituwid ng mga kamaliang nagawa ng mga ninuno na nakakaapekto sa kasalukuyang buhay ng kanilang minamahal sa buhay.  Ang mga maling nagawa ng mga ninuno ay madadama ng mga buhay sa apekto ng kalusugan, ugali, pananalita at kinabukasan.

Sa librong Intergenerational Healing ni Robert Degrandis at Linda Shubert sa pahina apatnapu’t lima, isinulat nila ang karanasan ng isang babaeng laging may brace ang leeg. Sa kanilang panalangin sa babaeng ito, nakita ng may karamdaman sa kanyang pangitain ang isang binata mula sa ika-limang henerasyon na inaresto at pinatay.  Hindi maliwanag ang pamamaraan ng kamatayan kung ibinitin o pinugutan ng ulo.  Ng ipinalangin ang kanilang ninuno, makalipas ang ilang linggo naalis na ang brace sa leeg at hindi na muling sumakit ang kayang leeg.

Sabi nila sa pahina anim sa aklat na ito:

“For our purposes in this book we are talking about healing the living through prayers for the dead.  We are talking about healing inherited psychological and physical and spiritual weaknesses which have been passed on genetically in the bloodline.  We are talking about healing certain intractable physical, mental, emotional and spiritual problems.  We are talking about “blessing all that is within us” [Psalm 103:1] through forgivenss, and thus hopefully changing the pattern of future generations.”

Ito naman ang sabi ni Matthew Linn at mga kasama sa pahina tatlumpu’t pito sa aklat na “Healing the Greatest Hurt”:

“He [Dr. Kenneth McAll] and Dr. William Wilson of Duke University find that prayer and especially the Eucharist for the deceased is particularly helpful for treating stubborn illness such as anorexia nervosa where the victim starves herself almost as if trying to join the deceased…. Others such as Presbyterian deacon and family therapist Dr. Douglas Schoeninger and his Baptist colleague Frances Bailey find that praying for the deceased is one of the best ways to resolved grief and inherited family conflicts.  Today as at Bethany, Jesus weeps for the deceased and then looks at us and says:  “Unbind him and let him go free” [Jn 11:44].

“Tiniis niya ang hirap na tayo ang dapat magbata, gayon din ang kirot na tayo sana ang lumasap; akala natin ang dinanas niya’y parusa sa kanya ng Diyos.  Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan.  Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na tinamo niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap” [Isa. 53:4-5]