Samahan, sumuporta sa SOLTARE CUP
By Pulso • Dec 14th, 2009 • Category: San Juan Ma. Vianney AssociationNaging matagumpay ang SOLTARE Cup Cup ng kaparian na ginanap dito sa ating diyosesis noong Oct. 19-21, 2009. Ang ating samahan ay nakilahok sa pagbibigay ng mga mineral water at Gatorade na ginamit sa kanilang paglalaro at mga red wine para sa closing ceremony noong huling gabi ng event. Naging maganda ang feedback ng mga panauhing pari mula sa ibang diyosesis.
Samantala, nakalulungkot isispin na ang isang alagad ng Diyos na katulad ni Rev. Fr. Sherwin Apostol ay mabalitaan mong nabaril noong gabi ng ika-23 ng Oktubre 2009, at kung titingnan natin ay parang sadyang inabangan sa isang madilim na lugar pagkatapos dumalo sa isang basketball ng kaparian sa Kawit, Boac, Marinduque dahil sa bisperas ng ng kapistahan sa parokyang yun. Bilang isang kasapi ng Samahan ni San Juan Ma. Vianney na ang layunin ay pagmalasakitan at mahalin ang kapiarian ng diyosesis napakasakit namang malaman ng isang katulad namin ang masamang balitang ito. Sinasadya man o hindi parang hindi na ginalang ang isang pari na kinatawan ng ating Panginoong Hesukristo ditto sa atin. Ako bilang Pangulo at ninong ni Fr. Sherwin ay nanalangin araw-araw sa Blessed Sacrament na sana ay konsensyahin ang may gawa nito hindi lamang yung bumaril sa kanya kundi pati na rin kung sino man ang nag-utos nito kung meron man. Naniniwala pa rin ako sa “KARMA” na kung siya man ay nabayaran para gawin yun magisip-isip na sila lalo na kung talagang may nag-utos nito. Nagpalabas agad ang samahan ng halagang P 20,000.00 pagdagdag gastusin sa gamutan ni Fr. Sherwin sapagkat ang ganitong pangyayari ay masasabi nating kabigla-bigla at di inaasahan. Nagpapasalamat pa rin kami sa Panginoong Diyos at kahit dumanas si Fr. Sherwin ng hirap lalo na sa operasyon sa pagtanggal ng bala sa Cardinal Santos Medical Center ay ligtas na siya sa kamatayan. Inaanyayahan ko po ang lahat ng kasapi ng samahan bilang isang “ PRAYING COMMUNITY” na ipagdasal natin ang mabilis na paggaling ni Fr. Sherwin Apostol at mabigyan ng katarungan ang pangyayaring ito.
Sa isang banda naman po ay dumalo tayo ng ika-65 taong kaarawan at ika- 40 anibersaryo ng pagkapari ni Msgr. Rolando Oliverio sa parokya ni San Isidro Labrador. Napakasaya ng pagdiriwang na ginanap noong ika – 11 ng Nobyembre na kung saan ang tema ay “ PISTA SA NAYON”. Nakita ko ang pakikilahok ng lahat ng samahang banal na nagbigay ng kani-kanilang bilang na ang mga awitin ay katulad ng “ Lawiswis Kawayan” at ang sayaw na Lulay”. Binabati po natin muli si Msgr. Rolando Oliverio sa kanyang napakasayang kaarawan.
May pagpupulong po na gaganapin ang lahat ng pangulo at kalihin ng 14 na pamparokyang yunit sa ik- 21 ng Nobyembre sa Sacred Heart Pastoral Center. Sa kasalukuyan po ang donasyon na natanggap ng samahan ay nasa P2,310,000 na at ipinaalala muli natin na ang nalikom nating pera ay para sa kapakanan ng kaparian ng diyosesis. Nasa 5,400 na po ang bilang ng mga kasapi sa buong diyosesis at inaasahan po na ito ay madaragdagan pa. Tandaan po natin Mahalin natin at pamalasakitan an gating kaparian sapagkat sila ang kinatawan n gating Panginoong Hesukristo sa ating parokya.
Pulso is
Email this author | All posts by Pulso








