5 parokyano ng Sacred Heart Parish, nabiyayaan ng bahay

buliasnin

Boac, Marinduque – Muling sinimulan ng Diyosesis ng Boac ang programang pabahay sa pagpasok ng taong 2010. Nabiyayaan ng nasabing programa ang 5 residente na sakop ng Sacred Heart Parish sa ilalim ng pagsubaybay nina Reb. P. Ian Retardo (lingcod-pari) at Anthony Zoleta (Project Coordinator).

Kabilang sa mga nabigyan ng bagong tahanan sina Willy Castellano ng Barangay Poras; Basilio Perito, Brgy. Tabi; Amante Alefa, Brgy. Tabigue; Ronald Madla, Brgy Lupac; at Reynante Moldon, Brgy. Buliasnin.

Ang programang pabahay ay patuloy na isinusulong ng diyoses sa pangunguna ng Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista, DD, Obispo ng Boac, sa pagsasakatuparan ng mithiing mabigyan ng bahay ang mga nangangailanagn sang-ayon sa atas ng Unang Sinodo ng Diyosesis ng Boac

Nagbayanihan sa pagtatayo ng kanilang mga tahanan ang mga benepisyaryo ng pabahay sa parokya ng Mahal na Puso ni Hesus.

lupac

poras

tabi

tabigui