Bp. Marquez, nagdiwang ng ika-25 taon ng pagka-obispo

Lucena City – Masayang ipinagdiwang ng diyosesis ng Lucena ang pagsapit ng ika-25 anibersaryo ng pagkaobispo ng Lubhang Kgg. Emilio Z. Marquez noong ika-29 ng Enero sa katerdral ni San Fernado.

Dumalo sa nasabing pagtitipon ang Apostolic Nuncio na si Archbishop Edward Joseph Adams at naroon din ang Kanyang Kabunyian Ricardo Cardinal Vidal na siyang nagbigay ng Homiliya sa pinilakang anibersaryo ni Bp. Marquez. Nakiisa rin sa pagdiriwang ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Si Bp. Marquez ay unang naglingkod sa Diyosesis ng Gumaca (1985-2002) bago maitalagang obispo ng Lucena.