Mga paring deligado ng congress, nagbigay ng 1M para sa Haiti

haiti

Lungsod ng Pasay – Kasabay ng pagdiriwang ng ikalawang National Congress of the Clergy sa World Trade Center, Pasay City, ipinanalangin din ng mga pari ang mga biktima ng lindol sa Haiti. Nagkaroon ng espesyal na koleksyon para sa mga naapektohan ng nasabing sakuna noong ikatlong araw sa loob ng Banal na Misa at nakalikom ng P988,675.35.

Natutuwang ibinalita ito ng Chairperson ng NCC2 Central Committee na si Ambassador Henrietta de Villa matapos bilangin ang mga kaloob ng mga Obispo at pari. Masaya ang Kanyang Kabunyian Gaudencio Cardinal Rosales sa kabukasan ng mga pari upang tulungan ang mga nangangailangan. “It was moved to tears when I learned we have collected that much amount” ang sabi ng butihing Cardinal. Dinagdagan niya ang kakulangang halaga upang umabot ito sa isang milyong piso.

Ang nakolektang donasyon ay isinama naman sa 1 milyon na ibinigay ng Mary Mother of the Poor Foundation at may kabuuang 2 milyong ang naipadalang tulong sa Haiti sa linggong iyon. Nagpasalamat naman ang Apostolic Nuncio ng Haiti, Bernardo Auza sa ipinakitang suporta ng mga Obispo at kaparian ng pilipinas.