TAON NG EUKARISTIYA AT PAMILYA, INILUNSAD SA DIYOSESIS

Inilunsad sa Diyosesis and taon ng Eukaristiya at Pamliya noong ika-28 ng Nobyembre 2015 sa Katedral ng Immaculada Concepcion, Boac, Marinduque. Pinangunahan ito ng Obispo ng Diyosesis, Lubhang Kgg. Marcelino Antonio M. Maralit, Jr. Kaalinsabay ng paglulunsad ay ang  ng Taonpagtatapos ng mga Dukha sa Diyosesis. Dinaluhan ito ng mga pari, madre at mga layko mula sa 14 na parokya ng Diyosesis.

Pinasimulan ang gawain sa ganap na ika-8 ng umaga sa pamamagitan ng prusisyon ng Banal na Eukaristiya (Eucharistic Procession) sa bayan ng Boac. Matapos ang solemneng prusisyon, nagkaroon ng pagbabahagi ng mga testimonya ang dalawang layko at isang pari. Ang unang laykong nagbahagi ay si Bro. Noel Malangis na mula sa Parokya ni Maria Mapag-Ampon sa mga Kristiyano, Balimbing, Boac, Marinduque. Si Bro. Noel ay isang BPK worker at siya rin ang pangulo ng Konseho Pastoral ng nasabing parokya. Ikalawang nagbahagi ay si Sis. Adalia P. Estrella, mula sa Parokya ni San Jose, ang Manggagawa, Napo, Sta. Cruz, Marinduque. Si Sis. Adalia ay isa ring BPK worker ng nasabing parokya. Ang ikatlong nagbahagi ay si Reb. Padre Jose R. Pedrigal, ang kasalukuyang Kura Paroko ng Parokya ni San Miguel Arkanghel, sa Cawit, Boac, Marinduque. Tampok sa kanilang pagbabahagi ang karanasan ng pagiging dukha at ang karanasan ng paglilingkod sa mga dukha. Ayon sa kanilang mga pagbabahagi, mas nagiging makabuluhan ang paglilingkod sa Simbahan ng mga Dukha kung ang naglilingkod ay isang dukha o nakaranas na maging isang dukha. Matapos ang pagbabahagi, isinagawa ang simbolikong paglabas ng imahen ni San Francisco ng Assisi, ang imahen ng Taon ng mga Dukha sa Diyosesis bilang pagtatapos nito at ang pagpasok ng imahen ng Banal na Pamilya. Pagkatapos, inilahad naman ni Reb. Padre Senen P. Milambiling, Diocesan Pastoral Director, ang mga planong pastoral para sa Taon ng Eukaristiya at Pamilya.

Pinangunahan naman ng Obispo Marcelino Antonio M. Maralit, Jr. ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa ganap na ikaisa (1:00) ng hapon. Sa pagsimula ng homiliya, binasa ng Obispo ang Pahayag Pastoral para sa Paglulunsad ng Taon ng Eukaristiya at Pamilya. Sa pagpapatuloy ng homiliya, sinabi nya na kahit nagtapos na ang Taon ng mga Dukha, Mayroon pa rin itong kahalagahan at kaugnayan sa binuksang Taon ng Eukaristiya at Pamilya. Maging ang mga naunang 2 tao, ang Taon ng Pananampalataya at Taon ng mga Layko, ay mananatiling may kauganayan sa panibagong taon na binuksan. Magkakaugnay ang mga taong ito sapagkat nagkakaisa sila sa iisang layunin na magpayaman ang pananampalatayng Kristiyano. “Ang mga naunang paksa sa unang tatlong taon ay mga pagninilay na hindi dapat isantabi dahil ito ay tapos. Ito ay mga taon na dapat pagnilayan natin kung ano na ang katatayuan ng ating Simabahan patungkol sa pananampalataya, sa mga layko at sa mga dukha. Magpapatuloy ang ating pagninilay sapagkat ang sentro ng tatlong ito ay ang Eukaristiya at ang Pamliya,” dagdag pa ng Opbispo.

Natapos ang pagdiriwang sa ganap na ikadalawa at kalahati (2:30) ng hapon. -Pulso News