The President’s Report

Sa nakaraang pagpupulong ng pandiyosesis na patnugutan noong ika-12 ng Setyembre 2015 ay napag-usapan na magkakaroon muli ng Orientasyon ang pamunuan ng bawat parokya lalo’t higit ay mga Inagt Yaman at Kalihim sa kadahilanang marami na ang mga bago sa pamunuan ng parokya. Napag-alaman din na ang mga nakatalagang kasapi na dumalo sa Diocesan Celebration noong ika-2 ng Agosto 2015 sa Mary Help of Christians Parish ay umaabot sa 1,387 hindi pa kasama dito ang maraming dumalo na hindi nagregister. Kaya inaasahang dodoble ang bilang na ito o higit pa sa ika-10 Anibersaryo ng Samahan ni San Juan Maria Vianney lalo’t higit at ito ay gaganapin sa Immaculate Conception Cathedral, Boac, Marinduque. Pinaghahandaan na din na magpagawa ng isang “Souvenir Program” na naglalaman ng taon-taong selebrasyon at ito ay isang “Fund Raising” activit na rin na ang proceed ay para pa rin sa Retirement House ng Boac Clergy. Simula po sa susunod na buwan ay magpapadala na kami ng Solicitation letter para doon sa nais maging bahagi nito at ito ay babahaginin sa one whole page, half page, one fourth at Sponsors na may kaukulang halaga.
Angtentative date ng Family Day na kung saan nagsasama-sama ang mga kaparian kasama ang kanilang malalapit na pamilya at pamunuan ng samahan ay sa ika-7 ng Disyembre na maaring ganapin sa St. Mary’s College. Mag-aasign na rin ng “Host” na Bikarya para sa mas maging matagumpay ang nasabing okasyon. Sa kadahilanang hindi pa natin naabot ang target na 20,000 kaisipan na magbibogay ng P 20 pesos buwan-buwan at sa kasalukuyan ay ang total na kasapian ay umaabot lang sa 9,750 as of July 11, 2015, ito ay hindi pa sapat upang magbigay ng mga honorarium sa lahat ng kaparian ng diyosesis. Marami pa ring kasapi ang nangangailangan ng paggising upang maging aktibo muli. Kaya’t mayroon panukala na kung pwede kahit ang mga retired priest na lang muna ang mabigyan ng Monthly Financial Assistance para sa kanilang pangangailangan. Ito ay ihaharap sa kapulungan ng pandiyosesis na pagpupulong sa ika-17 ng Oktubre, 2015. Samantalang binabati ko ang Pamparokyang Yunit ng San Isidro Labrador, Mogpog, Marinduque sa patuloy na pagtaas ng kanilang kasapian at “Collection” at inaasahan n asana ay magpatuloy pa rin ang kanilang masigasig na gawain kahit nagpalit na ang kanilang lingkod pari.
Upang mas mapadali ang “Collection” bibigyan na rin ng official Receipt o resibo anng ilang Coordinators na may hawak ng maraming kasapian na kung saan nakarecord ang OR Number ng resibo sa Treasurer ng Pamparkyang Yunit. Ito ay sa kadahilanang may mga kasapi na gusto agad na may resibong natatanggap pagkaraan silang magbayad sa kanilang coordinator.
Sa paglilipatan at pagpapalit ng ating maga lingkod pari nitong nagdaang linggo, alalahanin natin parati ang habilin ng ating mahal na Obispo Lub. Kgg. Marcelino Anthonio Maralit, Jr. sa ating mga mananampalataya lalo’t higit sa mga kasapi ng San Juan Maria Vianney na dapat alagaan at mahalin natin an gating mga lingkod pari. Huwag tayong mamimili sapagkat bawat isa sa kanila ay may mga katangian na angkop para sa ikauunlad ng ating pananampalataya sa Diyos. Sapagkat ang pari ay isang tao na kumakatawan sa Panginoong Hesukristo lalo na sa Banal na Eukaristiya at isang daluyan ng kapangyarihan ng Diyos.