Parochial Youth Camp,Isinagawa sa Parokya ng Tapian

Labo Elementary School, Labo Sta.Cruz,Marinduque- bilang bahagi sa paghuhubog sa mga kabataan ng Parokya ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo.
Nagkatipon-tipon ang mga kabataan ng Parokya sa Labo Elementary School noong ika-25-26 ng Oktubre 2015 upang isagawa ang Parochial Youth Camp 2015 na may temang “#KabataanPaMore”.Ito ay dinaluhan ng mga kabataang buhat sa mga barangay na sakop ng parokya. Nagsimula ang pagtitipon sa isang pambungad na panalangin sa pangunguna ni Luke Isaiah Duane P. Hoseña. Ang mga gawain sa loob ng 2 araw at 1 gabi ay naging daan upang ang bawat lider kabataan ay mahubog at machallenge sa pagpapalakad ng isang grupo.Natapos ang gawain sa pamamagitan ng isang habilin na “Magkitakita tayong muli sa Susunod na Youth Camp”at kasabay ng isang group hug. Ang susunod na Youth Camp ay gagawin sa Barangay Makulapnit sa susunod na taon at ito naman ay tinanggap ng pamunuan ng Barangay Youth Council. Luke Isaiah Duane P.Hoseña