March of the Saints Ginanap sa ICP

Ika-31 ng Oktubre 2015, Parokya ng Inmaculada Concepcion, Boac, Marinduque, muling isinagawa sa ikalawang pagkakataon ang March Of the Saints bilang pagbibigay pugay nila para sa mga Banal at ito’y isang paraan din ng katesismo sa mga tao na ang unang araw ng Nobyembre sapagkat ito’y inilaan ng simbahan para sa lahat ng Banal sa kalangitan kaya nga imbes na nakakatakot na mga karakter ang ipakita ng mga bata sila ay nagbihis ng kanilang paboritong mga Santo at Santa. Nagsimula ang gawain sa isang Banal na misa na pinangunahan ni Reb. P. Eulogio Mangui kura paroko kasama si Reb. P. Wilfredo Magcamit, Jr. kasama ang mga batang kalahok sa pangunguna ng SAMBA (Samhan ng mga Ministrong Bata). Pagkatapos ng banal na misa isinagawa ang parada sa bayan ng Boac na sinundan ng Tribute para sa mga batang may kaarawan sa buwan ng Oktubre at Nobyembre. Nagsagawa din ng mga palaro at papremyo sa mga best dressed ng bata. Lubos naman ang pasasalamat ng kaparian at mga kabataan sa mga magulang ng mga bata sa pagdalo sa gawaing ito ngayong taon. Pulso News