MACEC YOUTH SUMAILALIM SA LEADERSHIP TRAINING

Oktubre 23-25, 2015.  Isinagawa ang pinakahihintay na Leadership training Workshop sa Gasan Youth Center, Barangay Uno, Gasan, Marinduque. Ang nasabing training ay dinaluhan ng MACEC Youth Leaders mula sa apatnaputwalong (48) tsapters sa buong Marinduque at sa mga opisyales ng Panglalawigang Tsapter.  Layunin ng training na ito ang mga sumusunod:
1. mas ibayong palakasin ang kakayahan ng mga lider-kabataan sa pamiminuno  sa kani-kanilang tsapter at sa kanilang pakikisangkot sa adbokasiya, kampanya at mga gawain patungkol sa pangangalaga sa kapaligiran;
2. mahubog ang kakayahan sa teatro at matutong gamitin ito sa patuloy na pagpapataas ng kamalayan ng mga kabataan at ng publiko sa patuloy na epekto at banta ng pagmimina, mga banta ng kalamidad at iba pang kaugnay na usaping     pangkapaligiran;
3. mahikayat na gamitin ang information technology lalo’t higit ang social media sa mga adbokasiya at kampanya para sa pangangalaga ng kapaligiran at sa patuloy na pagsusulong ng hustisya at tuluyang pagpapatigil ng pagmimina sa lalawigan;
Sa panimula pa lamang ng gawain ay nagkaroon na ng inspirasyon ang mga lider-kabataan sa kanilang narinig na mga payo at motibasyon mula kay Brother Syrus, isang missionary mula sa Jamaica. Binigyang-diin niya, “Kayo ay tinawag at ipinadala ng Diyos para sa isang misyon, ang paglilingkod”. Ang mga payo at motibasyong ito ay naging hamon sa mga kabataan upang maging isang mabuting lider ng susunod na henerasyon. Namangha ang mga kabataan sa sorpresang bilang na buong husay na ipinamalas ng kanilang mga mentors bilang pormal na pagpapasimula ng pagsasanay kung saan madali nilang nakuha ang atensyon ng mga kalahok. Sa kabila ng mga pagsubok sa kanilang kakayahan ay punong-puno ng sorpresa at katuwaan ang tatlong araw na pagsasanay sa pamamagitan ng mga creative na energizers at mga team building activities na akma para sa mga kabataan.
Upang mas maging buhay ang partisipasyon, ang mga kalahok ay pinaghati sa tatlong (3) grupo: Golden pawikan, blue tamaraw at red eagle at bawat isa ay nagpasiklaban sa inihandang yell at banner. Ang bawat kalahok ay hinayaan ding pumili ng kanilang specialization class na sasalihan na mas higit pang magpapaunlad ng kanilang kakayahan. Sa theater ang pinakamaraming lumahok, dalawamput siyam (29); leadership ay dalawamput anim (26) at) sa Social Media ay anim (6), may kabuuhang animnaput isa (61) ang naging kalahok.
Naging mentor sa leadership class sina Bb. Minerva E. Tabar (Ate Minnie) at Bb. Norren G. Eborde (Ate Norren) at kanilang binigyang diin kung ano ang papel ng isang lider. Natuwa ang mga mentors sa kahulugan ng lider na ibinigay ng Tagapangulo ng MACEC Youth na si Ibert Oliver Regio, ayon sa kanya,   “Leader is not just a position”, it is an action. Matapos ang mga workshops at team building activities, naging output ng leadership class ang isang project proposal na kanilang inilahad sa pagtatapos ng pagsasanay. Plano nila itong bigyang katuparan sa mga susunod na araw.
Sa theater ay naging mentors ang dalawang talented na teachers na sina G. Julius Q. Irasga at Kim Martin H. Malabao (Kuya Kim). Bawat kalahok ay sinubukan ang mga angking talento at sa huli ay tinuruang umarte, sumayaw at umawit. Naging output ng theater class ang isang role play patungkol sa usapin ng pagmimina sa Marinduque kung saan kahit saglit lang ang naging ensayo ay buong husay nilang nabigyang buhay ang kuwento.  Sa social media naman ay naging mentors sina Anthony M. Fernandez (Kuya Toto) at Jayson Soriano kung saan tinuruan sila ng iba’t ibang porma ng social media at kung papaano magagamit ito sa mga kampanya sa pangangalaga ng kapaligiran, pagpopromote ng tamang pamamahala ng basura, disaster risk reduction at anti-mining campaign. Bagaman at kaunti lang sila, naging output ng social media class ang pagpost ng ibat-ibang uri ng kampanya sa face book upang i-promote ang tamang pamamahala ng basura, maging malinis ang paligid, maiwasan ang pagbaha at sa huli ay maka-contribute sa disaster risk reduction.
Sa pagtatapos ng pagsasanay ay binigyang ng natatanging pagkilala ang sampung (10 )mga batang nakitaan ng galing at kakayahan kundi pati na ang magandang attitude na ipinamalas sa buong training. Naging Valedictorian si Gerico R. Sapunto (Gasan); Salutatorian si Joshua Laurenz S. Fronda (Gasan) at ang iba pang kasama sa top ten na sina: Bernabette S. Leynes (Mogpog); Samantha Joy M. Evangelista (Gasan); Casandra Janine H. Seno (Gasan); John Christopher Pedrigal (Torrijos); Ibert Oliver P. Regio (Sta. Cruz); Gianinna Labicane (Boac); Shanrey M. Mirones (Mogpog) at Meodell Johannes L. Mirones (Mogpog). Pumili din sa bawat klase ng Best Student: sa leadership class – Gianinna Labicane (Boac); sa social media – Shiena Lyka D. Peralta (Torrijos) at sa theater class – Gerico R. Sapunto (Gasan) at ang best class ay nakuha ng red eagle group.
Taos-pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ng Tagapangulo ng MACEC, Rev. Fr. Arvin Anthony J. Madla sa mga mahuhusay na mentors na pawang kabataang propesyunal mula sa Children’s International and Manila Alumni Association (CIMAA) at ng Philippine Misereor Partnerships, Incorporated na siyang ka partner ng MACEC upang maisakatuparan ang pagsasanay.  Binati naman ng Secretariat Head ng MACEC na si Beth Manggol ang mga kabataang nagsipagtapos sa leadership training workshop sa mga output na kanilang nagawa sapagkat magagamit ito sa patuloy na pagpapataas ng kamalayan at ng pakikisangkot ng mga kabataan at ng publiko sa mga gawaing pangangalaga sa kapaligiran at higit sa lahat magagamit ang mga natutunan sa mga kampanya at nalalapit na gawain ng MACEC.
Ipinaabot din ang pasasalamat kay Mayor Vicky Lim ng Gasan sa suportang ibinigay nito upang maisakatuparan ang pagsasanay. Nagpakita din ng suporta ang mga lider ng MACEC mula sa Gasan, Boac at Mogpog sa kanilang mga kalahok. Sa huli ay sama-samang ginawa ng mga kabataan ang traditional putong bilang pag-welcome at taos-pusong pasasalamat sa kanilang mga mentors na tuwang-tuwa sa bagong karanasan.

Oktubre 23-25, 2015.  Isinagawa ang pinakahihintay na Leadership training Workshop sa Gasan Youth Center, Barangay Uno, Gasan, Marinduque. Ang nasabing training ay dinaluhan ng MACEC Youth Leaders mula sa apatnaputwalong (48) tsapters sa buong Marinduque at sa mga opisyales ng Panglalawigang Tsapter.  Layunin ng training na ito ang mga sumusunod: 1. mas ibayong palakasin ang kakayahan ng mga lider-kabataan sa pamiminuno  sa kani-kanilang tsapter at sa kanilang pakikisangkot sa adbokasiya, kampanya at mga gawain patungkol sa pangangalaga sa kapaligiran;  2. mahubog ang kakayahan sa teatro at matutong gamitin ito sa patuloy na pagpapataas ng kamalayan ng mga kabataan at ng publiko sa patuloy na epekto at banta ng pagmimina, mga banta ng kalamidad at iba pang kaugnay na usaping     pangkapaligiran; 3. mahikayat na gamitin ang information technology lalo’t higit ang social media sa mga adbokasiya at kampanya para sa pangangalaga ng kapaligiran at sa patuloy na pagsusulong ng hustisya at tuluyang pagpapatigil ng pagmimina sa lalawigan;Sa panimula pa lamang ng gawain ay nagkaroon na ng inspirasyon ang mga lider-kabataan sa kanilang narinig na mga payo at motibasyon mula kay Brother Syrus, isang missionary mula sa Jamaica. Binigyang-diin niya, “Kayo ay tinawag at ipinadala ng Diyos para sa isang misyon, ang paglilingkod”. Ang mga payo at motibasyong ito ay naging hamon sa mga kabataan upang maging isang mabuting lider ng susunod na henerasyon. Namangha ang mga kabataan sa sorpresang bilang na buong husay na ipinamalas ng kanilang mga mentors bilang pormal na pagpapasimula ng pagsasanay kung saan madali nilang nakuha ang atensyon ng mga kalahok. Sa kabila ng mga pagsubok sa kanilang kakayahan ay punong-puno ng sorpresa at katuwaan ang tatlong araw na pagsasanay sa pamamagitan ng mga creative na energizers at mga team building activities na akma para sa mga kabataan. Upang mas maging buhay ang partisipasyon, ang mga kalahok ay pinaghati sa tatlong (3) grupo: Golden pawikan, blue tamaraw at red eagle at bawat isa ay nagpasiklaban sa inihandang yell at banner. Ang bawat kalahok ay hinayaan ding pumili ng kanilang specialization class na sasalihan na mas higit pang magpapaunlad ng kanilang kakayahan. Sa theater ang pinakamaraming lumahok, dalawamput siyam (29); leadership ay dalawamput anim (26) at) sa Social Media ay anim (6), may kabuuhang animnaput isa (61) ang naging kalahok.       Naging mentor sa leadership class sina Bb. Minerva E. Tabar (Ate Minnie) at Bb. Norren G. Eborde (Ate Norren) at kanilang binigyang diin kung ano ang papel ng isang lider. Natuwa ang mga mentors sa kahulugan ng lider na ibinigay ng Tagapangulo ng MACEC Youth na si Ibert Oliver Regio, ayon sa kanya,   “Leader is not just a position”, it is an action. Matapos ang mga workshops at team building activities, naging output ng leadership class ang isang project proposal na kanilang inilahad sa pagtatapos ng pagsasanay. Plano nila itong bigyang katuparan sa mga susunod na araw.     Sa theater ay naging mentors ang dalawang talented na teachers na sina G. Julius Q. Irasga at Kim Martin H. Malabao (Kuya Kim). Bawat kalahok ay sinubukan ang mga angking talento at sa huli ay tinuruang umarte, sumayaw at umawit. Naging output ng theater class ang isang role play patungkol sa usapin ng pagmimina sa Marinduque kung saan kahit saglit lang ang naging ensayo ay buong husay nilang nabigyang buhay ang kuwento.  Sa social media naman ay naging mentors sina Anthony M. Fernandez (Kuya Toto) at Jayson Soriano kung saan tinuruan sila ng iba’t ibang porma ng social media at kung papaano magagamit ito sa mga kampanya sa pangangalaga ng kapaligiran, pagpopromote ng tamang pamamahala ng basura, disaster risk reduction at anti-mining campaign. Bagaman at kaunti lang sila, naging output ng social media class ang pagpost ng ibat-ibang uri ng kampanya sa face book upang i-promote ang tamang pamamahala ng basura, maging malinis ang paligid, maiwasan ang pagbaha at sa huli ay maka-contribute sa disaster risk reduction.     Sa pagtatapos ng pagsasanay ay binigyang ng natatanging pagkilala ang sampung (10 )mga batang nakitaan ng galing at kakayahan kundi pati na ang magandang attitude na ipinamalas sa buong training. Naging Valedictorian si Gerico R. Sapunto (Gasan); Salutatorian si Joshua Laurenz S. Fronda (Gasan) at ang iba pang kasama sa top ten na sina: Bernabette S. Leynes (Mogpog); Samantha Joy M. Evangelista (Gasan); Casandra Janine H. Seno (Gasan); John Christopher Pedrigal (Torrijos); Ibert Oliver P. Regio (Sta. Cruz); Gianinna Labicane (Boac); Shanrey M. Mirones (Mogpog) at Meodell Johannes L. Mirones (Mogpog). Pumili din sa bawat klase ng Best Student: sa leadership class – Gianinna Labicane (Boac); sa social media – Shiena Lyka D. Peralta (Torrijos) at sa theater class – Gerico R. Sapunto (Gasan) at ang best class ay nakuha ng red eagle group.        Taos-pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ng Tagapangulo ng MACEC, Rev. Fr. Arvin Anthony J. Madla sa mga mahuhusay na mentors na pawang kabataang propesyunal mula sa Children’s International and Manila Alumni Association (CIMAA) at ng Philippine Misereor Partnerships, Incorporated na siyang ka partner ng MACEC upang maisakatuparan ang pagsasanay.  Binati naman ng Secretariat Head ng MACEC na si Beth Manggol ang mga kabataang nagsipagtapos sa leadership training workshop sa mga output na kanilang nagawa sapagkat magagamit ito sa patuloy na pagpapataas ng kamalayan at ng pakikisangkot ng mga kabataan at ng publiko sa mga gawaing pangangalaga sa kapaligiran at higit sa lahat magagamit ang mga natutunan sa mga kampanya at nalalapit na gawain ng MACEC.Ipinaabot din ang pasasalamat kay Mayor Vicky Lim ng Gasan sa suportang ibinigay nito upang maisakatuparan ang pagsasanay. Nagpakita din ng suporta ang mga lider ng MACEC mula sa Gasan, Boac at Mogpog sa kanilang mga kalahok. Sa huli ay sama-samang ginawa ng mga kabataan ang traditional putong bilang pag-welcome at taos-pusong pasasalamat sa kanilang mga mentors na tuwang-tuwa sa bagong karanasan.