Vocation Camp at Liturgical Camp, Ginanap sa SMCM

Isinagawa ng Commission on Vocation at Commission on Liturgy sa pakikipagtulungan ng Diocesan Youth Commission ang Vocation Camp at Liturgical Training para sa mga sakristan ng Diyosesis sa St. Mary’s College of Marinduque noong ika 29 ng Oktubre 2015 sa ganap na ika-8  ng umaga hanggang ika-4 ng hapon. Nagsimula ang gawain sa isang banal na misa sa pangunguna ng Lub. Kgg. Marcelino Anthonio M. Maralit, Jr. kasama ang Direktor ng Bokasyon na si Reb. P. Richard Landig at kanyang katulong na pari Reb. P. Wilfredo Magcamit, Jr., at ilang kaparian ng diyosesis. Sa unang bahagi tinalakay ni Reb. P. Milliemar M. Perin pandiyosesis na director ng Liturhiya ang dapat ng galaw at gawi ng isang tagapaglingkod sa altar. Ipinakita din niya ang mga kagamitang ginagamit ng mga pari at para sa misa, nagkaroon din siya ng workshop sa tamang pag-aasiste sa misa. Pinaalalahanan din niya ng mga sakistan kung paano maging magalang sa altar at tamang pagkilos dito sa loob ng banal na misa.  Sa iklawang bahagi nagkaroon naman ng Vocation Campaign sa Rector ng Our Lady of Mt. Carmel Minor Seminary sa Saryaya Quezon at Rev. Fr. Marcelo Cabarrubias, Institute of Formation sa Our Lady of the Most Holy Rosary Seminary Pagbilao, Quezon. Pagkatapos na magtalakay ng mga pari tungkol sa pagpasok at sa mga paghuhubog na ginagawa nila sa kanikanilang seminary ay nagkaroon ng open forum. Natapos ang gawain sa ganap na ika 4 at kalahati ng hapon. Lubos naman ang pasasalamat ng mga organizers ng gawain sa pangunguna ng Komisyon ng Bokasyon sa mga tumulong ang nag-ambag ng kanilang oras at kakayahan para maging matagumpay ang nasabing gawain. Pulso News