Diyosesis, may mga bagong Diyakono

Ika-9 ng Hunyo, 2015 iginawad ng Lub. Kgg. Marcelino Antonio M. Maralit, Jr., D. D. sa Katedral ng Inmaculada Concepcion Boac, Marinduque ang orden ng pagkadiyakono kayna Sem. Benigno J. Bonode mula sa Parokya ng Mahal na Puso ni Hesus sa Poras, Sem. Rodel M. Mansalapus mula naman sa Parokya ni San Jose Esposo ni Maria sa Gasan at Sem. Drian Kerby L. Magdurulang mula naman sa Parokya ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay sa Balanacan.

Tinanggap ng maga bagong ordeng Diyakono ang kanilang Letter of Appointment nang araw ding iyon. Si Reb. Benigno J. Bonode ay itinalaga sa Parokya ni Maria Mapag-ampon sa mga Kristiyano sa Balimbing, Boac. Si Reb. Rodel M. Mansalapus ay itinalaga sa Parokya ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay sa Balanacan, Mogpog. Si Reb. Drian Kerby L. Magdurulang naman ay sa Parokya ng Inmaculada Concepcion sa Boac. Labis naman ang kasiyahan ng tatlong bagong Diyakono sa biyayang kanilang tinanggap. Nais din nilang ipaabot ang kanilang taos pusong pasasalamat sa mga taong nagging bahagi at tumulong sa paghahanda para sa kanilang ordinasyon.   Pulso News