BPK workers, dumalo sa isinagawang Facilitators Training

Dinaluhan ito ng mga parish workers ng bawat parokya. Layunin nito na magkaroon ang bawat parokya ng mga aktibong lider upang buhaying muli ang pananampalataya at maibahagi nila ang kanilang mga natutunan sa kapwa nila dukha. Ang nagsilbing tagapagsalita at nanguna sa pagpapadaloy ng gawain ay ay mula sa “NASSA” o National Secretariat for Social Action. Napagtuunan din ng pansin ang mahahalagang paksa tulad ng ANAWIM: The Poor of God, Catholic Social Teaching, Sacrament of Reconcilation at iba pa na nagbunga ng magagandang kaalaman at karanasan sa mga kalahok. Natapos ang gawain sa isang Banal na Misa sa pangunguna ng minamahal na Obispo Marcelino Antonio M. Maralit, Jr. isinagawa din ang pagbibgay ng mga sertipiko sa bawat isa bilang pasasalamat sa pagdalo sa gawaing iyon. lubos naman ang pasasalamat ni Reb. P. Allan Malapad SAC Director at Reb. P. Ian Retardo SAC Asst. Director sa mga dumalong BPK workers mula sa iba’t-ibang parokya ng ating diyosesis. Jonalyn Ricamara