Kaparian, Nagdiwang ng Family Day

Sa pagdiriwang ng Kapiyestahan ng Banal na Mag-anak noong ika-28 ng Disyembre 2014 tatlong araw makalipas ang Pasko, isinagawa ang Family Day ng mga pari sa pangunguna ng Boac Lingkod Pari Association at Samahan ni San Juan Maria Vianney.

Ganap na ikaisa ng hapon nang magsimulang dumating ang mga miyembro ng pamilya ng mga pari. Isinagawa naman ang pagdiriwang ng Misa ganap na ikalawa ng hapon na pinamumunuan ng Administrador Diyosesano, Reb. Padre Elino P. Esplana.

Matapos ang pagdiriwang ng Misa, nagkaroon ng kaunting salu-salo. Pagkatapos nito ay isinagawa naman ang pagbibigay ng regalo sa mga pari at ang exchange gift.

Mahalaga ang papel ng pamilya sa buhay ng mga pari mula sa pagkabata hanggang sa sila ay maging ganap na pari. Kaya naman sa mga pagkakataong ganito ay binibigyan ng pagkilala ang bawat pamilya ng mga pari. Ito ay isang paraan ng pagpapasalamat sa kanila sa kanilang pagmamahal at suporta sa ating mga pari. – Pulso News