Obispo, namahagi ng mga chocolate at candies sa mga bata
By Diocese of Boac • Jan 7th, 2010 • Category: Diocesan NewsSimbang Gabi 2009 – Tuwing simbang gabi, taun-taong nagmimisa ang Obispo sa mga parokya, sa mga baranggay ng iba’t ibang parokya, mula Disyembre 15 haanggang Disyembre 24 ng madaling araw.
Kasabay ng kanyang pag-ikot sa mga parokya sa panahon ng simbangg gabi, namamahagi ang obispo ng mga candies at chocolate sa mga batang dumalo sa banal na pagdiriwang.
Ang mga candies at chocolate at nag mula sa Gift of Love (Baby Orlina) na mula pa sa Estados Unidos, na ipinadala sa pamamagitang ng mga balikbayan boxes.
May ngiting pagpapasalamat naman ang ibinalik na mga bata sa baranggay na nakatanggap ng mga candies at chocolate.
Ipinamahagi naman ang mga damit (used clothes) at mga laruan sa Brgy. Quatis, Masiga, Gasan, kung saan matatagpuan ang Beach House ng Diyosesis.
Diocese of Boac is
Email this author | All posts by Diocese of Boac












