Diocese of Boac

Marinduque, Simbahan ng mga Dukha na may Katarungan, Pag-ibig at Kapayapaan

106 Lektor at Akolito, itinalaga ng Obispo

By Diocese of Boac • Jan 7th, 2010 • Category: Diocesan News

Parokya ng banal na Krus, Sta. Cruz – Pinangunahan ng Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista ang Pagtatalaga sa 106 na bagong Lektor at Akolito sa Parokya ng Banal na Krus noong Disyembre 13, 2009 kasabay ng pangatlong Misa sa parokya.

Isinagawa rin ang pagpapanibago ng pagtatalaga ng ilang lay ministers mula sa parokya ng Banal na Krus, Parokya ng Sto. Rosario ng Tapian, Parokya ni San Jose ang Manggagawa sa Napo at ilan pang mga taga-Parokya ni San Ignacio ng Loyola sa Torrijos. Animnapu’t pitong (67) Lektor at tatlumpu’t dalawang (32) bagong akolito ang mula sa Parokya ng Banal na Krus. Limang lector (5) at isang (1) akolito naman ang kasabay nilang mula sa Tapian. Sila ay sumailalim sa paghuhubog sa mga nakalipas na Linggo simula pa noong buwan ng Oktubre sa pamamagitan nina Reb. P. Allan Malapad, Reb. P.Bienvenido Marticio, Reb. P.Juan Pedro Recalde at Reb. P. Jovin Grimaldo. Nagtapos ito noong ika-29 ng Nobyembre sa isang aktwal na pagsasanay sa kanilang gawain, kilos at galaw sa loob ng liturhiya.

Ipinahayag naman ng moderator ng mga lay ministers ng parokya na si Pdre. Recalde ang pasasalamat sa minamahal na Obispo sa pagkakaloob nito ng panahon upang pangunahan ang nasabing pagdiriwang. Nagpasalamat din siya sa mga kasamang pari na katulong niya sa pagbibigay ng mga seminar at gayundin sa mga bagong miyembro ng lay ministers na nagsikap upang maging ganap na lektor at akolito.

Matapos ang Banal na Misa, nagkaroon ng munting salu-salo ang mga bagong talagang lay ministers kasama ang mga dati nang miyembro sa lumang kumbento ng parokya. Nagsimula sila ng paglilingkod sa pagsapit ng Simbang Gabi sa kanikanilang mga barangay.

Tagged as: , ,

Leave a Reply

Security Code: