Diocese of Boac

Marinduque, Simbahan ng mga Dukha na may Katarungan, Pag-ibig at Kapayapaan

Theresians, dumalaw sa Provincial Jail

By Diocese of Boac • Jan 7th, 2010 • Category: Diocesan News

Boac, Marinduque – Muling nagbigay-sigla at saya sa mga kapatid nating nasa bilangguan ang mga batang kasapi ng Theresians mula sa Parokya ng Banal na Krus, Sta. Cruz, sa kanilang isinagawang pagdalaw sa Provincial Jail noong Disyembre 12, 2009.

Naghandog ang mga bata ng ilang mga pampasiglang bilang tulad ng mga sayaw, tula at awiting pamasko. Nasaksihan din ng mga bilanggo ang pagsasadula ng Panuluyan nina Jose at Maria na labis nilang ikinatuwa. Nagbigay naman ng maikling mensahe si Sr. Natalia Diaz, MCST gayundin ang pangulo ng samahan na si John Carlo Prieto at ang tagapatnubay na pari na si Reb. Pdre. Jovin Grimaldo.

Matapos ang maikling programa, iniabot ng mga bata ang kanilang mga regalo sa bawat isang naroroon. Nagpasalamat si Pdre.Grimaldo sa mga madre, mga magulang, mga kasapi ng St.Vincent de Paul, at mga batang nakiisa sa Giftgiving activity ng mga Teresians. Ipinahayag din ng mga bilanggo ang ligayang idinulot sa kanila sa pagdalaw at programa ng mga batang misyonero at misyonera at nagbigay din sila ng ilang parol tanda ng pasasalamat sa mga dumalaw.

Leave a Reply

Security Code: