Ika 25 Linggo sa Karaniwang Panahon Mt 20: 1 – 16 Setyembre 21, 2014

Sabi ng iba, tamad daw tayong mga Pilipino, Pero puring puri naman ang mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa. Kung maglalakad ka sa mga eskinita at kalye makikita mo naman talaga ang maraming kababayang walang ginagawa at naghihintay na matapos ang magkapon. Hindi mauubos ang pwedeng gawin sa bahay at mabuting gawain para sa kapwa. Tanungin natin an ating sarili, pinagyayaman ba natin ang talento at abilidad na binibigay sa atin ng Diyos?