Kapistahan ng Pagbubunyi sa Banal na Krus Jn 3: 13 – 17 Setyembre 14, 2014

Maraming batbat na pasanin ang mga tao, iba’t ibang problema at sari saring pinagdaraanan. Ito ang mga krus sa buhay natin na dapat pinapasan at inaakap. Lagi nating tatandaan, gaano man kabigat ang krus, laging naroroon at nakapako si Hesus, mas kahabag habag. Kung nahihirapan tayong magpasan, di hamak mas nahihirapaan ang katayuan ng Panginoon na nakabayubay sa Krus.