Ika 23 Linggo sa Karaniwang Panahon Mt 18: 15 -20 Setyembre 7, 2014

Kung nagkakasala ang kapatid o sino mang ating kapwa ang pangunahing isaisip at dapat ang pagbabati o pagkakasundo. Kaya nga, kailangang kausapin ng sarilinan, magsama ng ibang tutulong o idulog sa sambayanan para maibalik ang dating samahan. Madalas kapag inaaway tayo ng kapwa ay tinatapatan agad din natin ng kasamaang ginawa nila. Taanungin natinang ating sarili, Anu ba ang ating unang reaksiyon kapag nagkakaroon tayo ng kaalitan? Ang maagplanong gumanti o ang suyuin siya?