210 na kabataan, dumalo sa parochial youth camp

Agosto 2-3,2014 – Matagumpay na isinagawa ng komisyon ng kabataan ng Banal na Krus ang Parochial Youth Camp sa Lumang Kumbento ng Parokya. Dinaluhan ito ng 207 na kabataan mula sa iba’t-ibang barangay na sakop ng parokya at 3 kabataan mula sa Parokya ni San Ignacio de Loyola. Nagsimula ang gawain sa isang banal na misa sa pamumuno ng Parish Youth Director, Rev. Fr. Wilfredo L. Magcamit, Jr. kung saan binanggit niya na natutuwa siya sapagkat maraming kabataan ang dumalo, nagging doble ito kumpara sa mga nakaraang pagtitipon at binigyang pansin din niya na ang pagtitipon ay nakasentro sa teknolohiya. Layunin ng nasabing gawain ang mamulat at gabayan ang mga kabataan sa makabuluhang paggamit ng makabagong teknolohiya, kung saan nagging tagapagsalita si Padre Magcamit. Sa kanyang panayam, binigyang diin niya kung paano magagamit ang teknolohiya lalo’t higit sa pagpapahayag ng Mabuting Balita. Naging tagapagsalita rin si Sr. Pauline O. Dañopoc, MCST tungkol sa Taon ng mga Layko. Naisakatuparan ang gawain sa pangunguna ni Padre Magcamit at PYC staffs. Naging kaagapay din sa pagpapadaloy ng gawain ang ibang kabataan ng Diocesan Youth Commission. Nagging matagumpay din ang gawain sa tulong at gabay ng ating Panginoon gayun din sa suporta ng mga taong aktibo sa iba’t-ibang samahang pansimbahan. Maryanne Padolina