Mass Wedding, ginanap sa Parokya ng Bnal na Krus
By Diocese of Boac • Jan 7th, 2010 • Category: Diocesan NewsSta. Cruz, Marinduque – Pitong (7) mag-asawahan ang muling nabiyayaan ng sakramento ng Kasal sa dalawang magkahiwalay na Mass Wedding sa Parokya ng Banal na Krus. Naunang tumanggap ang tatlong pares sa simbahan ng parokya noong ika-l0 ng Disyembre, 2009 na pinamunuan ni Reb. Pdre. Bienvenido Marticio.
Sinundan ito noong ika-22 ng Disyembre sa Sitio ng Panag ng Brgy.Kalangkang sa pamamagitan ng Lingkod-Pari ng parokya na si Reb. Pdre. Allan Malapad.
Ang Mass Wedding ay bahagi pa rin ng pagsasakatuparan ng mga naiplanong mga gawain sa loob ng taon ng Quadricentennial ng parokyang Banal na Krus.
Ipinagpapasalamat ng mga ikinasal ang biyaya ng kasal at ang basbas ng Poong Maykapal sa habang buhay na pagsasama ng mga mag-asawa. Isa itong magandang pasimula sa pagharap nila sa taong 2010.
Naghahanda naman ang parokya para sa maringal na pagsasara ng pagdiriwang ng ika400 taon ngayong Disyembre 28, 2009. lnihahanda rin ang mga natatanging tao na tatanggap ng pagkilala sa kanilang mahalagang bahagi at serbisyo sa parokya.
Diocese of Boac is
Email this author | All posts by Diocese of Boac








