Kapistahan ng Patron ng mga Pari sa Malibago

Nakahanda na ang Parokya ng Mahal na Birhen ng Lourdes sa Malibago, Torrijos, Marinduque para sa taunang Pandiyosesis na Pagdiriwang ng Kapistahan ng Patron ng mga Pari, San Juan Maria Vianney. Ito ay gaganapin sa ika-3 ng Agosto 2014, unang linggo ng nasabing buwan ayon kay Rev. Fr. Sherwin Apostol, kura paroko ng nasabing parokya. Isang taon nilang pinaghandaan at pinagplanuhan ang nasabing pagtitipon na inaasahang dadaluhan ng mas maraming miyembro ng samahan.

Ngayong isyu ng PULSO, nais ko pong ibahagi sa inyo ang contributions ng bawat parokya ng ating samahan mula Enero hanggang Disyembre 2013. Ito ay upang malaman natin kung ang ating pamparokyang yunit ay aktibo o hindi nitong nagdaang taon at upang ngayong taon naman ay magpamalas tayo ng malaking pagbabago sa ating collection.

Statement of Donations from Active/Honorary Members by Parish

Period Covered from January 1 – December 31, 2013

Parish Total Collection

Holy Child Jesus 2,530

Holy Cross 124,995

Immaculate Conception 225,400

Mary Help of Christians 12,595

Our Lady of Guadalupe 9,620

Our Lady of Lourdes 15,190

Our lady of Peace and

Good Voyage 26,330

Our Lady of the Most

Holy Rosary 39,630

Sacred Heart of Jesus 57,840

St. Ignatius of Loyola 114,315

St. Joseph Spouse of Mary 68,265

St. Joseph the Worker 49,830

San Isidro Labrador 87,704

St. Raphael Archangel 22,465

Sana naman po sa 9,650 na bilang kasapian ng ating samahan ay huwag nating kalimutan ang naipangako nating “Pledges” o donasyon para sa kapakanan ng mga pari ng ating diyosesis. Ang 30 pesos nating load sa cellphone ay minsan isang buwan nating isakripisyo para sa ating buwanang hulog para sa ating pledges.

Nakabili na po ba kayo ng raffle ticket para sa intial project ng ating samahan upang makapagpatayo tayo ng “Boac Clergy Retirement Home” para sa mga paring retirado at nagkakasakit na mga pari ng ating Diyosesis? Sana po ay suportahan natin ang proyektong ito bilang pagtanaw din natin ng utang na loob sa ating mga pari na kinatawan ng Diyos at nagmulat sa atin sa Pananampalataya sa mahabang panahon simula pa ng tayo ay mga bata pa. Nakatulong na kayo ay may “CHANCE” pa kayong MANALO ng magagandang papremyo tulad ng Living Room Showcase, Bedroom Showcase, Dining Room Showcase at marami pang iba. Ang raffle draw pong ito ay gaganapin sa unang Linggo ng Agosto 2014 sa Parokya ng Birhen ng Lourdes, Malibago, Torrijos kasabay ng kapisthan ni San Juan Ma. Vianney.

Bakit tayo nagmamalasakit sa ating mga pari? Ayon nga sa pagninilay ni San Juan Ma. Vianney, ang pagkapari ang pag-ibig ng Puso ni Hesus. Kapag nakakita ng isang pari, alalahanin mo ang Panginoong Hesukristo. Kung walang mga pari, ang mga biyaya mula sa kamatayan at pagpapakasakit ni Hesus ay hindi nakaaabot sa atin. Ang pari ay hindi pinatatawad ang sarili niyang kasalanan. Hindi niya ipinagdiriwang ang mga sakramento para sa kanyang sarili kundi para sa bayan.

Ang schedule ng Cluster Recollection para sa June 14, 2014 na dapat gaganapin sa Parokya ng Batang si Hesus sa Buenavista, na dadaluhan din ng mga kasapi mula sa Parokya ng Birhen ng Lourdes sa Malibago ay pansamantalang ililipat sa ibang petsa. Magkakaroon ng Diocesan Meeting sa Pastoral Center, Boac, Marinduque sa ika-14 ng Hunyo 2014 sa ganap na ika-9 ng umaga. Maraming bagay ang pag-uusapan lalo’t higit ay tungkol sa pag follow-up ng ating raffle ticket at sa paghahanda ng Pandiyosesis na Pagdiriwang ng kapistahan ni San Juan Ma. Vianney.