SAMBA sa Parokya, isang taon na, mga batang sakristan, sinuotan ng sutana

MHCP, Balimbing, Boac – Kasabay ng pagdiriwang ng unang anibersaryo ng pagkatatag ng SAMBA (Samahan ng mga Ministrong Bata) ay pormal nang itinalaga ang mga batang sakristan sa pamamagitan ng pagsusuot sa kanila ng sutana, ika – 16 ng Pebrero, 2014.

Nagsilbing mga tagabasa, komentarista, koro at sakristan ang mga miyembro ng SAMBA sa loob ng pagdiriwang ng ikalawang Misa. Pagkatapos ng pagpapahayag ng pananampalataya ay isinagawa ang ritu ng pagsusuot ng sutana sa mga batang sakristan. Ang mga sutana ay binasbasan ng pari bago iabot sa mga magulang ng mga batang sakristan na sumailalim sa isang taong paghuhubog. Sinundan ito ng pagpapanibago ng pangako ng mga miyembro ng SAMBA at pagpapahayag ng pangako ng mga bagong kasapi.

Pagkatapos ng Misa ay nagkaroon ng maiksing palatuntunan para sa mga batang kasapi kasama ang kani – kanilang mga magulang at nagtapos sa kaunting salu-salo. /cathy flores