Paskuhan ng mga pari 2009
By Diocese of Boac • Jan 7th, 2010 • Category: Diocesan NewsDisyembre 8, 2009 – Pista ng Inmaculada Concepcion. Isinagawa ang taunang paskuhan ng mga pari kasabay ng buwanang rekoleksyon nitong Disyembre.
Nagsimula ang paskuhan sa isang Banal na Oras na ginanap sa pribadong kapilya sa loob ng Centro Pastoral ng Diyosesis. Kaagad namang sinundan ng hapunan at programa ng paskuhan.
Lalong mas naging makulay ang taunang paskuhan ng mga pari sa pamamagitan ng mga awiting pamasko, mga palaro, mga awit na handog ng mga pari sa Bikarya ng San Bernardo at Bikarya ng San Juan de Marinduque at sa sayaw na inihandog ng Bikarya ng Monserat de Marinduque sa saliw ng “no body but you”.
Nagbigay naman ng mensahe at pagbati ang bisiting Franciscanong pari at ang Minamahal na Obispo bago magtapos ang programa..
Diocese of Boac is
Email this author | All posts by Diocese of Boac












