Diocese of Boac

Marinduque, Simbahan ng mga Dukha na may Katarungan, Pag-ibig at Kapayapaan

Roxas, Aquino at Drilon, dumalo sa piyesta

By Diocese of Boac • Jan 6th, 2010 • Category: Diocesan News

Boac, Marinduque – Masayang idinaos ng Parokya ng Inmaculada Conception ang kapistahan ng Mahal na Birhen noong Disyembre 8, 2009. Dumalo at nakiisa sa pagdiriwang ang dalawang senador na si Sen.Mar Roxas at Sen. Franklin Drilon kasama si Pinky Aquino, ang anak ng yumaong Pangulo Cory Aquino.

Isinagawa ang isang Misa Conselebrada sa ika-10:00 ng umaga sa pangunguna ng Obispo at mga kaparian. Ipinahayag ng Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista sa kayang homiliya ang kagalakan sa patuloy na pagdami ng mga taong nagdedebosyon sa Mahal na Birheng Maria taon-taon. Hinimok niya ang sambayanan na lalo pang palalimin ang debosyon sa Mahal na Birhen sa kabila ng mga pagbabatikos ng ibang sekta. Ipinaliwanag din niya ang kahalagahan ng pagkilala at pagtawag kay Maria na siyang Ina ng Diyos.

Bago magtapos ang pagdiriwang, nagpahayag naman ng pasasalamat ang Lingkod-Pari ng parokya na si Reb. Pdre. Elino P. Esplana sa lahat ng nagsidalo at sa mga lider-layko ng parokya. Binigyan din ng pagkakataong makapagsalita at magpasalamat si Pinky Aquino. Nagpahayag din ng kagalakang makadalo ng pagdiriwang si Sen. Mar Roxas at nagpasalamat siya sa mainit na pagtanggap ng mga Marinduqueno at sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataon upang makapagsalita sa loob ng pagdiriwang.

Tagged as: , ,

Leave a Reply

Security Code: