QUEMARLABARO updates
By Diocese of Boac • Jan 6th, 2010 • Category: Diocesan NewsBoac Marinduque – pagpupulong ng mga Committee Chairman at mga Lider-kabataan ng Diyosesis ng Boac para sa paghahanda sa gaganaping QUEMARLABARO Youth Camp sa darating na ika-16 ng Abril 2010.
Nagdatingan sa Parokya ng lnmaculada Concepcion ang mga lider-kabataan at Committee Chairmen noong ika – 4 ng Disyembre mula sa iba’t ibang Parokya ng ating Diyosesis. Pinasimulan ito ng pagdiriwang ng Banal na Misa na pinamunuan ni Reb. P. Martin B. Puertollano, Jr. – Diocesan Youth Director at ni Reb. P. Milliemar M. Perin – ICP Youth Director.
Dumalo sa pagpupulong ang Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista, D.D. upang malaman ang mga hakbangin at plano ng bawat komite para sa nasabing okasyon. Iniulat ng bawat Committee Chairman ang mga gawaing kanilang natapos at sinisimulan pa lamang.
Ikinatuwa naman ng Obispo ang mga development na inihanay sa kanya ng mga committee chaiman para sa nasabing camp tulad ng naging matagumpay na Diocesan Pre-modular Youth Camp na ginanap sa Parokya ni San Jose, Esposo ni Maria noong ika – 6 ng Nobyembre na may temang “CHOICES JOURNEY FROM WITHIN”, WHO DO YOU SAY THAT I AM? Inihanay na din ang mga susunod na Pre-modular Camp sa mga darating pang mga buwan.
Ipinahayag ng ating minamahal na Obispo ang kanyang suporta at pag-gabay sa mga kabataan sa gawaing ito. Ipinangako din niya na hindi niya pababayaan ang mga kabataan at siniguro niya na kung gaano niya sinoportahan ang nakaraang SOLTARE CUP ay ganoon din ang suportang ibibigay niya sa QUEMARLABARO Youth Camp at sa mga kabataan. Pinaalalahanan din niya ang mga kabataan na huwag kalimutang madasal para sa ikapagtatagumpay ng kanilang gawain para sa QUEMARLABARO Youth Camp.
Inaasahang ang bawat gawain at plano na napagkasunduan ay maging makabuluhan para sa nasabing Regional Youth Camp.
Diocese of Boac is
Email this author | All posts by Diocese of Boac









uno BOAC! sulong quemar!