Alisin ang Pork!

Laman ng lahat ng mga balita mapa telebisyon, dyaryo at radyo ang mainit na usapin tungkol sa pagaalis o pagtanggal ng kontrobersyal na PDAF o Pork Barrel ng mga mambabatas. Nagkaroon ng mga pagtatalo kung dapat na ba itong tanggalin o panatilihin dahil sa maling paggamit nito. Sa loob ng isang taon ang inilalaang PDAF para sa mga Senador ay nagkakahalagang 200 milyon habang sa mga Mambabatas ay 70 milyon, at sinasabing tumaas pa ito ngayong 2013 budget allotment.Ang pork barrel funds ay budget na laan ng mga senador at mga mambabatas para magamit sa mga proyekto sa kanilang mga distrito, pera na mula sa buwis, pera ng mga tao. Pero sigurado ba na dito lahat napupunta ito? Sigurado ba tayong hindi ito naibubulsa? Kung minsan pa nga ginagamit nila ito sa kung anu-anong klase ng programa na kalimita’y puro palpak at hindi natatapos, bakit? Dahil kung saan-saan lang napupunta ang pondo para dito. Ang perang ibinabayad ng mga tao sa buwis ay kanilang pinaghihirapan kaya dapat lang siguro na punan ng gobyerno ng tama ang pangangailangan nila sa pamamagitan ng mga angkop na proyekto. Ininalal sila ng mga tao kaya dapat ang tiwalang ibinigay sa kanila ay dapat nilang alagaan. Usap usapan ang pagtanggal ng pork barrel sa dahil sa kurapsyon. Marami ang natuwa, marami din ang tutol at sabi nga sa usapan sa social media “hindi pumapayag ang ibang mambabatas dahil dito sila bumabawi ng gastos nila nang nakaraang eleksyon at kapag nawala ito wala na silang makukuhang pambawi”. Ang pag-abolish sa pork barrel fund ay magsisilbing panggising sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno, mababawasan ang corrupt pero kung hindi man ito maipatupad maging tapat sana sila sa mga tao huwag pansarili ang iniisip. Hindi masama ang magkaroon ng milyong pork barrel ang bawat mababatas at senador kung tama at sa wastong paraan ito ginagamit. Alalahanin palagi na ang mga tao ang naglagay sa kanilang kinatatayuan. Maglingkod sana ng  tapat. Huwag sarili ang isipin. Taong bayan muna bago sarili.