42 Bagong BPK area patatagin
By Diocese of Boac • Jan 6th, 2010 • Category: Diocesan NewsIsinagawa ang tatlong araw na pangdiyosesis na pagtatasa noong Nobyembre 9-12 sa programa ng Basic Christian Community on Community Organizing ( BCC-CO ). Aktwal na bumisita sa BPK ng Panag, Tigwi at Sibuyao ang naging bisita mula sa IPDI na si Bb.Sheryl Rose Andes. Mainit na pagtanggap ang sumalubong sa panauhin sa mga barangay na nabanggit.
Matapos ang pagdalaw sa mga BPK area pormal na isinagawa ang pagtatasa sa Diocesan Sacred Heart Pastoral Center kasama ang 7 BCC Staff at 39 BPK liders na kinatawan mula sa 42 BPK areas.
Nakita sa pag-aaral ang kalakasan at kahinaan ng bawat plano. Nagkaroon muli ng mga bagong pagpagpaplano batay sa hinihingi ng programa.
Pitong (7) BPK area ang nasa level 1, dalawampu’t walo (28) ang pumapatak sa level 2, at pito (7) sa level 3.
Bagama’t nasa ibat’ ibang level pa rin ang kanilang mga area nangako ang mga BPK liders / COVs na patuloy silang kikilos upang maisakatuparan ang mga inilahad na gawain at maabot ang pinapangarap bi1ang isang munting sambayanang Kristiyano.
Muli namang nagtukoy ang mga CO workers ng 42 panibagong BPK area na siyang pag-uuku1an ng pansin upang patatagin sa loob ng tatlong taon na may 14 na area sa bawat bikarya. -Elma Mansia
Diocese of Boac is
Email this author | All posts by Diocese of Boac








